Isa akong makasalanang nilalang aaminin kong may marumi akong pag iisip, may nararamdamang inggit sa kapwa and even I am not contented in life.Pero naniniwala akong may Diyos. Naniniwala ako ngunit namumuhay ako na makasalanan hindi sumusunod sa mga utos at bihirang mag basa ng bibliya.
Ngunit hindi nag sasawa ang Panginoon sa pag mamahal sa atin kahit tayo'y makasalanang nilalang
Hinding hindi ko makakalimutan na sa tuwing nasa panganib ako sambitin ko lang ang pangalan ng makapangyarihang Ama ay naliligtas ako.
Taong 2013 nang maging aktibo ako sa pag dadasal at pananalig sa Panginoong Jesus at ng taong ding iyon nag simula akong guluhin at linlangin ng mga demonyo, ngunit hindi sila nag tatagumpay gabay ko ang Panginoon ang ating tagapagligtas hindi nya ako pinapabayaan sa tuwing dinadalaw ako ng masasamang nilalang sa pamamagitan ng aking panaginip, kung saan wala tayong kalaban laban dahil tayo ay nasa pag tulog.
Ngunit ang Panginoon ang Makapangyarihang Ama ay laging nariyan para tayo ay gabayan at ilayo sa lahat ng kapahamakan mag tiwala lamang tayo sa kanya at tayo ay mapapabuti.
YOU ARE READING
Almighty God Return
EspiritualThis spiritual story is based on my experience.Isa akong makasalanang nilalang ngunit walang sawa pa rin akong minamahal ng Panginoon para balaan ang kanyang pagbabalik ay nalalapit na. Nais ng Panginoon na habang buhay pa tayo ay mag balik loob hum...