PART 6

17 1 0
                                    

Napakabuti ng Panginoong Hesus anumang oras ay lagi Siyang narito para sa atin manalig at mag tiwala lamang tayo sa Kanya tayo ay maliligtas at hindi Nya tayo pababayaan.

Sleep paralysis

Karamihan ay nakaranas na nito at hindi maikakailang sobra ang naramdaman nating takot. Halos araw araw na itong nangyayari sa akin at banggitin ko lamang ang pangalan ng ating Tagapagligtas ang Panginoong Hesus ako ay nagigising.
Normal ng nangyayari sa akin ang nakakatakot na sleep paralysis ngunit hindi ako nag sasawang banggitin ang pangalan ng Panginoong Hesus saka ako tuluyang nagigising.

Muli aking na sleep paralysis ngunit kakaiba Ito ngayon.
Tuwing ako ay nakakaranas ng sleep paralysis hindi ako makagalaw at nahihirapan akong huminga iyon ang aking nararamdaman. Ngunit kakaiba ang nangyari sa akin ngayon. Muli akong na sleep paralysis ngunit kakaiba Ito sa lahat na mga naunang sleep paralysis na naranasan ko.

Habang ako ay natutulog bandang alas kuwatro ng hapon,
Bigla na lamang uminit ang aking buong katawan mag mula anit ng buhok hanggang sa aking talampakan, napakainit niyon ay Kung apoy iyon ay talagang masusunog ako. Hindi ako nakagalaw at labis akong nahihirapang huminga.
Sinabi ko sa aking isipan, gawa Ito ng demonyo lalong uminit ang aking buong katawan ng banggitin ko ang pangalang iyon. At muli sinabi kong sa pangalan ng Panginoong Hesus na aking Tagapagligtas umalis ka sa akin. At maniwala po kayo mga kaibigan ng banggitin ko ang pangalan ng Makapangyarihan Hesus nawala ang napakainit na aking nararamdaman, ngunit nag pumilit ang demonyo pakiramdam ko muli nya akong niyakap dahilan Kung bakit muling bumalik ang nakakapasong hatid ng masamang nilalang, aaminin kong nakaramdam na ako ng takot na hindi dapat mangyari dahil iyon ang pag kakataon nila para sakupin ang ating katawan at isipan. Muli kong sinabi sa aking isipan nanalangin ako at humingi ng tawad at tulong sa Panginoong Hesus. "Amang makapangyarihan sa lahat, ipinako sa krus para ang mga tao ay mailigtas ikaw po ang aking Tagapagligtas, naniniwala at nananalig po ako sa Iyo walang makakatalo ng Iyong banal na Pangalan. " at ako ay tuluyang nagising ng banggitin ko ang mga katagang iyon.

At ng ako ay magising kumanta ako ng mga Christian songs at pasasalamat sa Ama ramdam ko ang pagmamahal Nya kaya ako ay naluha habang kumakanta.

Napakabuti ng Ama tumawag lamang tayo at tayo ay kanyang pakikinggan at tutulungan.

God bless us

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 30, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Almighty God ReturnWhere stories live. Discover now