CHAPTER TWO"Dude, babalik tayo bukas. Pahinga ka muna." turan ni Shash.
"Tama si Shash dude, ipahinga mo muna 'yang katawan mo." Pagsang-ayon ni Dixter.
Hindi sumagot si Dane, tumayo ito na walang boses na lumalabas mula sa kaniyang bibig. Naglakad ito na tila wala sa isip patungo sa kanilang sasakyan. Awang-awa naman ang dalawa niyang kaibigan.
LUMIPAS ANG ANIM BUWAN
Tuluyang naka-recover si Hyo, mula sa kaniyang pagka-aksidente. Subalit ang lahat niyang alaala ay nabura, ngunit may ibang mga bagay na biglang bumalik sa kaniyang alaala, pero agad namang nabubura.
"Bakit, hindi ko maramdaman na mahal ko si Tony? Bakit parang may ibang hinahanap ang aking puso? Kung totoo ang sinabi niya na nagmamahalan kami, bakit naiilang ako sa kaniya? Nabura kaya ang aking pagmamahal sa kaniya mula ng magka-amnesia ako?" Mga tanong ni Hyo sa sarili at panay ang haplos niya sa kaniyang tiyan na anim na buwan na.
Hindi nagiging masaya si Hyo, sa tahanan ng lalaki na akala niya ay totoong asawa. Dahil pakiramdan niya ay nakakulong siya sa bahay, sapagkat ay bawal siyang lumabas.
Lalo na kung hindi kasama ang asawa. Kaya minsan nakaramdam siya ng pagkabagot. Sapagkat wala man lang siyang nakikitang ibang tanawin maliban lang sa malawak na karagatan. At wala ring mga kapamilya, kaibigan na dumadalaw sa kaniya.
"Hyo, nasaan ka?" Boses ni Tony, na kakarating lang mula sa business nila.
Narinig siya ni Hyo, ngunit hindi siya sumagot.
"Nandito ka lang pala, bakit hindi ka sumagot?" Tanong ng lalaki at humalik ito sa ulo ng asawa.
"Tony, mula ba noong ikinasal tayo ay ganito na ang buhay ko? Itong palagi lang sa loob ng bahay, na parang isang bilanggo."
"Hyo, lagi naman tayong lumalabas noon. Pero ngayong buntis ka, dito ka lang muna sa bahay. Dahil ayaw kong may masamang mangyari sa inyong mag-ina."
"Minsan kasi nakakabagot na dito sa loob ng bahay."
"Gusto mo bang mag-mall tayo?"
"Pwede?" Nakangiting tanong ni Hyo.
" Yes."
"Now na ba?"
"Oo."
Nagpunta nga sila sa mall at nag-ikot-ikot, sobra namang nag-enjoy ang buntis. Marami rin siyang biniling mga damit panlalaki para sa magiging anak niya.
Kung saang mall nagpunta sila Hyo at Tony. Ay ito rin ang pinasukan ni Dane, kasama ang dalawang kaibigan. Dahil doon sila nag-lunch at nagbakasakaling makita nila si Blom.
"Dude, punta muna ako sa banyo." Paalam ni Dane.
"Sige,dude."
Nagmadali namang nagtungo si Dane sa banyo...
"Hyo, may gusto ka pa bang bibilhin?"
"Wala na, medyo napagod na rin ako."
"Gusto mo bang umuwi na tayo?"
"Sige," tugon ng buntis.
Nang makarating sila sa kanilang sasakyan ay nagpaalam si Tony na pupunta muna sa banyo.
Patakbong nagpunta siya ng banyo, sapagkat ayaw niyang maghintay ng matagal ang kaniyang asawa.
Papalabas na si Dane at papasok naman si Tony kaya aksidenteng nagkabanggaan ang dalawa. O, sadyang ang tadhana ang nagpapatagpo nilang dalaw.
"O! I'm sorry," Boses ni Tony. Na siyang nakabangga kay Dane.
"It's okay," tugon ni Dane at nakipagkamayan pa siya sa lalaki.
"You look so familiar,"sabi ni Tony.
"You too, Mr.Tony Shao?" tanong niya at sinigurado na hindi siya nagkakamali.
"Yeah, it's me. Why do you know me?" pagtatakang tanong ng lalaki.
"By the way, I'm Dane Timmer. Nakilala lang kita sa isang business magazine.
"Oh, Yeah! I remember you. Pasok ka pala sa Top five sa pinakakilalang business man. Nice too meet you," masiglang sabi ni Tony.
"Thank you so much. Anyway, baka makapasyal ka sa Manila. Here's my contact number " wika ni Dane, at inabot niya ang calling card.
"Sure! Thank you."
"Mauna na ako," paalam ni Dane.
"I'm sorry, medyo natagalan ako," saad ni Tony, nang makabalik ito sa kanilang kotse.
"Bakit ka nga ba natagalan?" tanong ng asawa.
"Amm.. Nakasalubong ko kasi ang isang kilalang negosyante sa Manila si Mr. Dane Timmer." Pahayag nito
"D-Dane Timmer? Parang kilalang-kilala ko ang kaniyang pangalan, pero hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita."
"Yes kilala mo talaga 'yon, kasi sikat na negosyante si Mr.Timmer. Bago nga lang namatay ang kaniyang father. Last year lang."
"Namatay? Bakit daw?"
Dahil, parang familiar sa kaniya ang lahat. Ngunit nahihirapan lang siyang alalahanin ang mga ito...
Mabilis ang paglipas ng mga buwan at nakapanganak na si Hyo. Isang napakaguwapong sanggol. Ang ipinagtaka ni Hyo, kung bakit hindi kamukha ni Tony ang bata. At hindi rin niya kamukha.
BINABASA MO ANG
THE BILLIONAIRE AND THE SECRET OF HIS GIRLFRIEND BOOK 2
Literatura FaktuACTION/ROMANCE THIS IS SERIES II.