CHAPTER THREE

3.1K 159 4
                                    

CHAPTER THREE

Gustong magtanong ni Hyo, sa kaniyang asawa, kung saan nagmana ang bata. Dahil si Tony ay Dugong Tsino at siya daw ay dugong Koreana. Ngunit, bakit ang kanilang anak at parang lahing Amerikano?

Subalit ang mga katanungan ni Hyo, ay kaniya na lamang isinantabi. Sapagkat nag-alala siya na baka ikasama pa ng loob ng asawa.

Isang buwan ang lumilipas at agad pinabinyagan ni Tony ang bata. Si Hyo ang pumili ng pangalan nang kanilang  anak. 'NEHYO DANE SHAO' ayaw sana ni Tony na may Dane. Dahil natatakot siya na baka may maalala siya sa pangalan. Ngunit nagpumilit si Hyo na iyon ang gusto niya. Walang nagawa ang lalaki, kun'di ang sundin ang kaniyang gusto.

Ang hindi alam ni Tony ay laging nanaginip si Hyo sa pangalang Dane. Lagi raw siyang tinatawag at nagpapakilalang Dane. Nakikita niya ang mukha ngunit malabo.

"Sino kaya si Dane? Bakit lagi ko siyang naiisip? Bakit familiar siya sa akin? At ano ang aming ugnayan sa isa't isa?" Mga katanungan ni Hyo, na gusto niyang may kasagutan. Ngunit paano niya masasagot ang mga tanong na 'yon? Kung palagi lang siya sa bahay.

Isang buwan na naman  ang nakalipas at nagpaalam si Tony kay Hyo. Para sa kaniyang business trip,   dalawang buwan pa lang ang kanilang anak, kaya hindi siya isinama ni Tony.

Habang wala ang asawa niya sa bahay, ay nagsimula naman siya sa pagkalkal ng kanilang mga gamit ni Tony. Dahil nagbakasakali siya na may mga bagay na puwedeng makapaalala sa kaniya.

Sapagkat may duda siya sa pagsasama nila ni Tony, pakiramdam niya ay hindi sila mag-asawa. At hindi rin niya maramdaman na mahal niya ito.

Dahil tulog ang kaniyang anak, ay iniwan niya ito saglit. At nagtungo siya sa library ng asawa, ito pa ang kauna-unahan na pumasok siya sa pribadong kuwarto.

Naka-lock ang pinto, subalit alam niya kung saan nakalagay ang susi. Dahil minsan na niyang nakita ang asawa, kung saan kinuha ang susi.

Nakapasok si Hyo at nagpalinga-linga siya sa paligid. Nagtaka naman siya kung bakit wala man lang silang picture na magkasama kahit isa.

Tanging larawan lang ni Tony ang meron sa ibabaw ng lamesa nito. Umupo siya at binuksan ang drawer, sa kanyang pagkalkal ay may nasagi siyang isang singsing.

Kinuha niya ito at tinitigang mabuti, ngunit wala siyang maalala. Nang tingnan niya ang ilalim nito ay may pangalan na nakaukit.

'DANE&HYO-JI' Ito ang pangalang nakaukit sa singsing.

FLASHBACK

"Opo, Nangagako ako father."

"I Love You So Much Hyo-Ji."

Biglang bumalik sa alaala ni Hyo, ngunit hindi niya maaninag ang mukha ng lalaki. Kinuha niya ang singsing at inilagay sa kaniyang bulsa.

Nagpatuloy siya sa paghalungkat sa mga kabinet. Bigla siyang nagulat at bahagyang natulala, nang makita niya ang laman ng kabinet. Maraming pera at mga shabu.

Agad kinabahan si Hyo at hindi makapaniwala sa kaniyang nasaksihan.

"Isang druglord si Tony? Ito ang ibinubuhay niya sa amin?" wika niya at agad siyang nakaramdam ng galit.

Muli niyang isinara ang kabinet at naghalungkat na naman sa ibang parte. Hindi sinasadya at nahawakan niya ang isang maliit na button.

Biglang bumukas ang isang  pinto at maingat siyang pumasok.

"Oh my God!" Bulalas niya at agad natakpan ang kaniyang bibig.

Puno ang kuwarto sa nagklase-klaseng armas. Bigla na namang sumagi sa kaniyang alaala ang isang kuwarto. Ngunit ang laman ay mga ginto.

Dali-daling lumabas si Hyo at ibinalik niya ang susi kung saan niya ito kinuha....
_______

Samantala, unti-unting natanggap ni Dane ang pagkawala ng kaniyang asawa.
Na tila napapaniwala na niya ang sarili na talagang patay na si Hyo-Ji. Ngunit hindi pa rin niya ito makalimutan.

"Dude, paano kaya kung magbakasyon ka muna sa States. Para naman mabisita mo ang iyong mommy at ang kapatid." Suhestyon ni Shash.

"Tama si Shash dude, para naman ma-relax mo ang iyong katawan." Pagsang-ayon ni Dixter.

"I think, tama kayo."

"Gusto mo dude, sasamahan kita?" presenta ni Shash.

"Paano ang business mo?" tanong ni Dane.

"Don't worry about that. May mga tauhan naman ako."

"E,ikaw dude, sasama ka?" tanong niya kay Dixter.

"Susunod na lang siguro ako dude, isama ko si misis."

Umalis agad ang dalawa at ang usapan nila ay isang buwan lang doon. Dahil marami pa silang dapat asikasuhin.

Excited naman ang mommy at ang kaniyang kapatid, habang hinihintay sila sa airport. Kasama nila si Huang Yong, sapagkat ito ang nagda-drive sa kanila.

"Look mom!" Masiglang sabi ni Dekker, sabay turo niya sa kapatid.

"My God son!" bulalas ng kaniyang ina at napaiyak ito. Habang sinalubong ang anak at awang-awa siya. Dahil sobrang pagpayat ni Dane.

"Mom, I really miss you." Madamdaming wika ni Dane at niyakap higpit ang ina.

"I miss you bro!" turan ni Dekker at yumakap rin sa nakakatandang kapatid.

Si Huang Yong naman ay biglang natameme, nang  makita niya si Shash. Nakatitig naman ang lalaki sa kaniya at hindi agad siya nakilala.

THE BILLIONAIRE AND THE SECRET OF HIS GIRLFRIEND BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon