CHAPTER FIVE

3.1K 144 16
                                    

CHAPTER FIVE

"Where is she dude?" tanong ni Shash, nang makalabas sila mula sa kuwarto?

"Sino ang hinahanap ninyo?" Boses ng ina ni Dane, na kalalabas lang galing sa kusina.

"Ikaw na ang sumagot dude," utos ni Shash sa kaibigan.

"Si Huang Yong ma, hinahanap ni Shash."

"Hoistt! Huwag mo akong ibulabog, nakakahiya kay tita." turan niya at bahagya pang nagkulay rosas ang pisngi nito.

"Over naman 'tuh! Magpakatotoo ka dude, ang tanda mo na." Nakasimangot na tugon ni Dane.

"Umalis na si Huang Yong, hinahatid nya si Dekker sa school."

"Ump, gano'n ba tita? Sige, mamaya na lang." Anang lalaki.

"Bakit gusto mo ba si Huang Yong?" Tanong ng ginang.

"Huh!? Umm..Parang natamaan ako tita."

"Well, I like her. Para sa'yo, mabait si Huang Yong at mapagkatiwalaan sa lahat ng bagay. But I'm warning you, don't fool her. Magagalit talaga ako sa 'yo."

"Yeah, sure tita. I'll promise, hinding-hindi ko 'yan gagawin sa kaniya."

"Okay, mabuti kung gano'n."

"Ma,aalis muna kami," paalam ni Dane.

"Where are you going?"

"Mag-work out mom."

"Good idea anak, mag-iingat kayo."

Ito ang kauna-unahang araw na mag-move on si Dane. Upang hindi niya laging maiisip ang asawa.

But in his heart, still hoping that one day  his wife will come back.

"Dude, ano ang magandang ihandog ko kay Huang Yong?" Seryoso nitong tanong.

"House and lot," simpleng sagot ni Dane.

" Seryoso ka dude? Agad-agad?"

" Para kang hindi dumaan sa panliligaw sa asawa mo noon."

"Sus! Grabe naman 'tong tao na ito! Suplado."

"Bigyan mo ng rose at chocolate,"

"Baka tumaba dude," anito.

"Okay, bigyan mo ng bagoong."

"Grabe naman 'yang bagoong dude, mangangamoy ang Huang Yong ko."

"Gago! Bahala ka nga," inis na sabi ni Dane sabay bato nito ng karton ng tisyu.

" Tulungan mo naman ako dude," aniya

"Okay fine! Mamayang gabi i-date mo," pahayag ni Dane.

"Papayag kaya siya dude? Ikaw ang magsabi ha, nahihiya kasi ako."

"Wow! Ayos! Kailan ka pa nagiging stupid sa pag-diskarte ng babae dude?" Seryosong tanong ni Dane.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE BILLIONAIRE AND THE SECRET OF HIS GIRLFRIEND BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon