CHAPTER ONE

7K 169 3
                                    


CHAPTER ONE

"Isko,hindi ba tao 'yan?" Boses ni Tony.

Nang masipat ng kaniyang mga mata ang isang nakaitim at nasabit ito sa isang sanga ng kahoy at nakasayad sa tubig.

Kagagaling lang ng mga ito sa isang transaksyon at kasalukuyang nakasakay sa isang Yacht.

"Para nga bossing, mukhang patay na yata." Tugon ni Isko. Ang right hand niya.

"Tingnan mo," utos niya at pansamantalang pinatigil ang yate.

Tumalon sa tubig ang lalaki at nilapitan ang akala nilang bankay.

"Bossing buhay pa ito!"

"Tulungan mo at isakay niyo dito." utos niya sa isang tauhan.

Agad namang tumalon at tinulungan si Isko na maisakay nila ang babae sa yate.

"Isa pala itong babae bossing."

"Sa unang tingin palang ni Tony ay parang nagagandaham na siya sa rito. Walang galos o gasgas ang mukha ng babae kaya lutang ang tunay na kagandahan nito. Sa tanto pa ng lalaki ay mestisang Koreana ang ito.

"Bilisan mo pa ang takbo." Utos niya sa nagmamaneho.

"Bossing, anong balak mo sa babae? Dadalhin mo ba sa hospital?" Tanong ng kaniyang right hand.

"No! Call to our private doctor at papuntahin mo sa bahay." Utos ni Tony

Sa resthouse ng lalaki ay may sariling clinic ito at kumpleto sa kagamitan.

"Bossing, sigurado ka ba? Hindi kaya magiging panganip siya sa ating negosyo?"

"Isko, Isko, kailan ka pa nagiging tanga? Isang babae lang ito, at wala siyang malalaman.

"Naniniguro lang bossing, baka nakalimutan mo na montik na tayong mapahamak dahil sa babae."

"Ako na ang bahala. Sige na, tawagan mo na.

Isang buwan bago nagkamalay ang babae.

"Buti naman at gising kana," wika ni Tony,

Nanatiling nakahiga sa kama ang babae, dilat ang mga mata nito. Ngunit hindi ito nagsasalita. At muling pumikit ang kaniyang mga mata. Kaya agad niyang tinawagan ang doktor, upang suriin ang pasyente. Kinukunan nila ito ng dugo para sa lahat ng eksamen.

"Mr.Shao, she is one month pregnant,"balita ng doctor.

"Ganoon ba? Hindi ba makaapekto kay Hyo, ang kaniyang pagbubuntis doctor?"

"Sa tingin ko'y hindi naman. Ngunit kailangan pa rin nating makasigurado.

"Emm....Emm..." ungol ng babae.

"Doctor, nagkamalay na siya." masayang turan ni Tony.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ng doktor sa babae

"Sobrang sakit ng ulo ko. Anong nangyari?"

"Naaksidente ka," tugon ni Tony.

"Naalala mo ba ang nangyari sa'yo?" tanong ulit ng doctor.

Sinubukang ipikit niya ang kanyang mga mata, upang alalahanin ang nanyayari, ngunit blangko ang kaniyang isip.

"Bakit wala akong maalala?Sino ba talaga ako? Sino ka sa buhay ko?" Mga tanong niya, sabay hawak sa kaniyang ulo.

"Ikaw si Hyo, ako naman si Tony ang iyong asawa. Buntis ka ngayon ng isang buwan. At buti nalang ay hindi naapektuhan ang dinadala mo."

Pagsisinungaling ni Tony at biglang napatingin ang doktor sa kaniya.

"Buntis ako?"

"Yes! Kaya kailangan mong magpagaling agad." anang lalaki.

"Buti na lang pala at tinanggal ko ang kaniyang wedding ring." wika ni Tony ng kaniyang isip.

Kaya Hyo ang kaniyang ipininangal sa babae, dahil iyon ang nakalagay sa wedding ring.

Samantala isang buwan na rin ang nakalipas, subalit hindi pa rin nahanap si Hyo-Ji. Sa isip ni Dane ay patay na ang asawa. Ngunit hindi pa rin siya sumuko, nagpapatuloy pa rin sila sa paghahanap. At umaasa na, matagpuan nila ito.

"Sir, kailangan na po nating itigil ang operasyon. Dahil mahigit isang buwan na tayong naghahanap sa kaniya at hindi pa rin natin nakita ang asawa mo. Mahirap mang sabihin ito, pero kailangan kitang tapatin. Baka patay na talaga ang asawa mo sir." pahayag ng taga-coast guard.

"Ano ba ang problema ninyo sir? Binayaran ko kayo ng maayos. Magbabayad pa ako kahit magkano, mahanap niyo lang ang aking asawa!"

"Hindi kasi ganoon ang isyo sir." nagsimulang uminit ang ulo ng lalaki.

"Sir, sir, okay na po! Kami na lang ang maghahanap. Pasensiyahan niyo na lang po ang aming kaibigan." pangangatuwiran ni Shash.

"Dude, tayo na lang ang maghahanap, or kukuha tayo ng mga tao. Suhulan na lang natin." Sabat ni Dixter.

Hindi kumibo si Dane, tulala ito habang nakatingin sa malayo. Sobra na rin silang nag-alala sa kaibigan, dahil halos hindi a ito kumakain. At ngayon ay humaba na ang kanyang buhok at bigote na tila napabayaan na ang sarili.

Walang araw na hindi nila sinamahan ang kaibigan sa paghahanap. Para ipakita nito na nandiyan lang sila na handang dumamay sa lahat ng panahon.

"Umuwi muna tayo dude, babalik na lang tayo bukas." yaya ni Shash.

"Mauna na kayo. Hihintayin ko pa si Hyo-Ji."





THE BILLIONAIRE AND THE SECRET OF HIS GIRLFRIEND BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon