Bus

2.6K 24 8
                                    


"Kung sino pa yung hinihintay mo, siyang wala. Kung sino naman ang hindi mo hinahanap, siyang magpapakita"

Inip na inip na ako habang hinihintay si Vic, mag-iisang oras na akong nakatayo buhat nang dumating dito sa dating tagpuan namin. Mukhang late na naman siya ngayon at hindi niya naalala na ganitong oras pala dapat kami magkikita :(

Nainis ako nang makita kong paparating si Gen. Hindi naman si Gen ang hinihintay ko e, ayoko kaya sakaniya! Una, hindi siya si Vic; Pangalawa, alam kong lagi akong ligtas kapag si Vic ang kasama ko; Pangatlo, loyal ako kay Vic:)

(Teka nakaka-relate ka ba? Sabihin mo lang kung hindi..

Wala lang, sabihin mo lang :P)

Kilala mo rin ba si Vic?

Well, si Vic lang naman ang isa sa mga Victory Liner bus na lagi kong sinasakyan papunta sa Baguio at pauwi dito sa amin.

At si Gen? Malamang alam mo na kung sino siya, siya si Genesis!

Madami pang ibang bus ang maari kong sakyan paakyat sa bundok pero as I have mentioned, loyal ako kay Vic ",<

And finally! Nawala na ang aking pagkabagot dahil dumating na si Vic! Jan jan JarRRAn!!

Umakyat na ako sa bus, wala itong masyadong sakay ngayon hindi tulad ng mga nagdaang araw.

Nilapag ko ang aking bag at naupo, wala akong katabi sa aking kaliwa at sa kanan ko naman ay ang bintana.

Maya-maya ay lumapit na si manong konduktor,

"Baguio po, estudyante" ani ko

Saka ko inabot ang bayad..

Nagmasid ako sa paligid at napansin ko yung lalaki sa tapat ko.

Tulad ko, wala rin siyang katabi.

Tapos ako maganda, siya naman gwapo haha. **,kapal

Ang pinagkaiba lang ata namin e masyado siyang feel at home.

Sa sobrang "feeling niya at home siya" ay nakataas pa ang dalawang paa niya,

nakaharap pa naman sakin ang mokong.

Kumbaga nakasandal kasi siya sa bintana at nakapatong yung paa niya sa upuang tabi niya, (napi-picture mo ba? Pilitin mo para masaya haha :D)

Pasalamat siya at maluwang ang bus, 'to naman si manong konduktor, deadma lang! E kung tutuusin nga hindi naman binayaran ni f@h(feel at home) yung isang seat kaya kung gusto kong umupo doon ay puwede haha

Pero siyempre ayoko nga, baka mamaya may alipunga pala siya, eww.

Anyway, gwapo naman siya e kaya hayaan ko nalang nga..

Makalipas ang dalawa at kalahating-oras ay nakarating na kami sa Baguio at bumaba na ako.

1 SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon