Magsisimula ang kuwento natin dito, sa University of the Philippines o U.P
na puwede ring tawagin na University of Pila dahil sa pagkahaba-habang pila tuwing enrollment, (well, mahaba talaga ang pila pag enrollment I know..pero as in owver kaya sa amin! yung parang hindi nausod yung pila ><)
Dagdagan pa ng pila sa mga photocopy machines sa kadahilanang ilan lang ang mga machines sa eskwelahan at konti pa ang nag-ooperate. Sus pero aminin! Dahil rin ito sa katamaran ng mga estudyante na magbasa ng libro sa library kaya palaging may nagpapa-photocopy :p
Anyway, ang U. P ay puwede rin palang University of Papansins. Bakit?
Well, let me enlighten you..
: Ano ba ang tawag sa mga taong nagsusuot ng pajama sa campus? Ano ka nasa bahay at matutulog?
: Ano rin ang tawag sa mga taong wagas maka-make-up? Ano ka pupuntang party?
: Tawag sa mga nagsisisigaw sa daan at nagiging dahilan ng traffic? No comment baka kuyugin ako ><
: Sa mga taong bigla nalang tumatakbo ng naka-hubo? Ohmyeyes! Warning sign please!
: Mga naka-shorts kahit malamig? Kahit tumayo na ang balahibo sa binti?
: At sa mga maka-porma na akala mo nagco-cosplay lang..
*ting! Natamaan ako ! ><
Hindi ako naka-ilag, masakit pa naman yun..
Oo na,
Sige na nga,
Isa na ako sa mga papansin na yon..
Pero oy! 'di ako nagco-cosplay no! Hindi nga ako marunong nun e, ewan ko nga sa mga tao kung bakit nila nasasabing mukha raw akong nagco-cosplay.. Hindi naman ako nagdadamit ng mga pang-angel or whatsoever na nakakaagaw-pansin. Mahilig lang akong mag-boots at mag-mix and match ng outfits, yun..
Hay palibhasa wala kaming uniform kaya malaya ang bawat isa sa amin na isuot ang mga gusto namin.. which is a good and bad thing..
Ngunit sa kabila ng mga kapintasan na ito ay hindi maikakaila na isa ang U.P sa mga pinaka-prestihiyosong Unibersidad sa Pilipinas.> siya na!
(Aba e pasensya naman kung epal ng U.P e tungkol sa kaniya ito e haha :D)
Anyway, yun nga, isa akong estudyante dito sa U.P at sa kasalukuyan po ay tinatahak ko ang daan sa catwalk ng campus, oras: alas-dos ng hapon, nang biglang..
*toinks!
Laglag ang napakaraming papel sa sahig. Ang research paper koooo!
Nebenemenyen, kung kelan nagmamadali e.
Aba at tignan mo itong nakabunggo sa akin, hindi man lang huminto!
Humanda ka sakin ngayon..
"Hoy ikaw!" sigaw ko sakaniya.
Lumingon tuloy yung mga naglalakad sa unahan.
"Ay hindi kayo, sorry" sabi ko nalang, shocks, nakakahiya. I should be more specific.
"Hoy ikaw lalaki !" sigaw ko ulit, siguro naman lilingon na 'to.
Pero hindi e, yung ibang lalaki naman ang lumingon kaya sabi ko naman..