Mr. Pizza

5.8K 20 3
                                    


"When you're depressed, eat pizza

because it contains cheese which can make one happy;

So don't be depressed because it will make you buy and eat pizza" (My diary entry, July 21, 2011)

Sobrang streys na streys ako sa araw na to! Dami 'kong ginawa tapos medyo depressed din..

Pwede na ba akong mabaliw? As in now na?

Teka. Ayoko pala, kakain muna ako ng pizza.

Pumunta na ako sa Pizza Hut kung saan ako laging bumibili ng pizza. Oha kala mo sosyal ako? Hindi kaya, yung pang-take out lang yung binibili ko no! Tig-55 pesoses lang naman, dalawang slice na yun na pak na pak!

"Isang order po" sabi ko, saka tinuro yung 'Hawaiian flavor na pizza'

Nagbayad nako, saka kinuha ang pizza.

At dahil ayoko pang umuwi, pumunta muna ako sa foodcourt para doon kumain ng pizza. Ansama ko, galing sa pizza hut, kinain ko sa food court ng SM haha!

Ayun, syempre bet na bet ko talaga ang Hawaiian lalo na ang madaming pinya, yummy!

Ganito ako kapag streys na streys, lalo pa nung nabasa ko sa isang dyaryo na nakakatanggal din ng depression ang pagkain ng pizza dahil sa contents nito lalo na ang cheese.

At nung naubos ko na ang pizza ay tsumupi na ako sa SM at umuwi na para simulan ang aking mga gagawin.

Ayan! Tapos ko na daw ang mga kelangan kong gawin, papers at nakapag-review na rin. Syempre, O.A much naman kung sasabihin kong dahil lahat yun sa pizza di ba? Sabihin lang natin na isa din yun sa dahilan :)

After how many days..

Bumalik na naman akong Pizza Hut para bumiling pizza, o di ba?

Suki na ako, dapat nga may discount na yata haha

Ang kaso nahuli ata ako ng dating dahil mukhang ubos na

Oh no! Wag naman! I need this so baad. Char.

To-gums kasi ako e (gutom)

Tumakbo na raw ako sa Pizza Hut,

Para lang maabutan na...

May nakabili na ng huling pizza :(

Aww. Nahuli ako ng dating, kakainis naman,

Nahuli lang ako ng .17299 seconds ii.

Teka baka pwede kong pakiusapan 'tong nakabili na.

Ako: Ahem, excuse me, pwedeng bilhin ko nalang sayo yang pizza?

Lumingon siya saka tumingin sakin.

Ang gwapo gwapo, pwedeng ikaw nalang bilhin ko? Chos haha

Siya: Huh?

Ay. Bingi ba siya? Sayang, gwapo pa naman.

Baka gusto niya mas mahal ang pagbili, nebeyen.

Ako: Sige na, bilhin ko nalang ng 56 pesos.

O di ba? Atleast mahal ng onti hehe

Siya: Ay hindi huwag na, kung gusto mo ibibigay ko nalang sayo 'tong isang slice

Waaah? Weeeeh? wiiiiiH? Di ngi? I Ini bi ti?

Ay anyare saken daw? Teka nga, isa pa..

Weeeeeeeeeeeeeeeeeeh?

O yan na, nagulat na daw ako.

Ako: Totoo nga? Ibi-bibigay mo sakin? Hindi mo ipapabayad? May kapalit ba? Naku, huwag nalang eheh

1 SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon