Vic

589 8 17
                                    


(A B S..

~CBN

*charing!)

Two years ago,

May isang batang babae at lalaki..

Then they lived happily ever after.

CHAROT!

Wag ka nang umasa, hindi ako ganiyan magsulat ng istorya :p

Well, ang kuwentong ito ay nangyari po sa akin, PROMISE! Kahit kurutin mo pa sarili mo (ano raw?!)

Anyway, kuwento na nga..

Tanda ko pa... June 2010, sakay ako ng paborito kong bus na Victory Liner (o di ba, makapag-advertise lang?) Paakyat ako nun sa Baguio sa aking unang taon sa kolehiyo. Naupo ako sa tabi ng bintana, katabi ang isang ginang sa aking kaliwa. Pero di-kalaunan ay bumaba rin siya kaya bakante na ang upuan sa tabi ko.

Tapos sa bandang Sison, Pangasinan ay may sumakay na grupo ng lalaki, maiingay. At dahil nga vacant ang seat sa tabi ko ay may naupo doon.. yung iba namang lalaki ay naupo sa harap, tapat at likod ko, in short- napapalibutan nila ako.

Hindi ko na masyadong matandaan kung naka-headset ba ako noon basta ang alam ko ay suot ko ang blue green na jacket ko at nasa "masungit mode" ako, meaning you are not advised to talk to me (chos)

Ayun na.. tumingin nalang ako sa bintana at di pinansin ang mga lalaking eps. Pero ilang saglit lamang ay na-bore na ako sa kakatingin sa labas kaya sinubukan kong matulog...

Tapos unti-unting bumabagsak ang ulo ko pa-kanan.. at pa-kaliwa tungo sa katabi kong lalaki na..(sayang kasi 'di gwapo) Maya-maya ay na-sense kong may liwanag, na parang flash ng camera kaya minulat ko ang aking mga mata at nakita yung dalawang lalaking epal sa harap ko na nagtatawanan. Pinabayaan ko nalang at humarap sa may bintana saka pumikit uli.

Tapos nung napadpad uli yung ulo ko sa kaliwa (e kasi makulit yung bus*kasi nga umaandar*) parang hinayaan ko nalang kasi yung head ko magpagalaw- galaw depende sa bus kaya yun.. e na-feel ko ulit yung flash ng camera sa harap ng aking face, tapos narinig ko yung katabi ko na sinabing.."tama na, baka magising" or something like that. Then inopen ko na ang aking pretty eyes at nahuli ko sila sa akto! Pinipiktyuran pala nila ako at itong katabi ko, todo pa maka-pose, pa-kyut ba.

1 SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon