KTV Bar

1.3K 14 4
                                    


 "Music can be an outlet to express your emotions.."

"Pst. Punta tayong Ktv," aya ko sa kaibigan ko.

"Ngayon na ba? E may exam kasi ako bukas"

"Ano ka ba? Bukas pa naman yun e, tara na"

"Pero.. sige na nga.."

Hi! Hindi ako magpapakilala sa inyo dahil paninindigan kong walang names ang mga characters ko dito ha ha. At bilang bida, in bold letters daw ang mga linya ko..:)

So.. as you can see, niyaya ko ang kaibigan kong may exam bukas na mag-Ktv.

Well, wala sa Ktv ang mga sagot sa exam niya pero gagaan naman ang kaniyang pakiramdam doon :D

"Sobrang nakakapagod sa school no?"

"Sinabi mo pa, kaya nga gusto kong mag-unwind dito e"

"Unwind? Sa pagkanta?"

"Oo nga, tara maglabas ng sama ng loob"

Bumili na kami ng tokens at namili ng mga kakantahin.

At dahil feelers kami pareho, sa stage daw kami kakanta.

Siyempre nung una ayaw niya pumayag pero since wala masyadong tao ay um-oo na rin siya.

Hmm. Malakas ang loob ko no?

Well, sabihin mo nang singer naman ako at 'tong kaibigan ko, frustrated singer.

Oops, secret lang ha? Huwag mo pagkakalat, yari ako dito :p

"Uy ito, gusto ko, ito pa, tapos ito rin.. blahblah"

makapili naman 'tong kaibigan ko akala mo kakantahin lahat.

"Siguraduhin mo lang na kakantahin mo lahat yan ah"

"Oo, saglit mag-practice lang ako sa labas"

At ayun, iniwan ako ni babaita dito sa loob ng Ktv

Binigay ko na yung tokens at listahan sa in-charge, (ano ba kasi tawag sa kanila? Ewan basta yun na yun! :))

Pagtingin ko sa screen, madami pa palang nakapilang songs kaya matagal-tagal din kami maghihintay..kaso ayoko kaya ma-bore dito, makalabas nga muna saglit.

Habang papalabas ako ay sakto naman ang pagpasok ng isang ubod-na-kisig-at-bangong-nilalang!

Kung puwede lang i-stop ang oras at singhutin muna lahat ng kaniyang amoy. Ooh, at ang gwapo talaga!

Hey you, can I get your cellphone? Lols.

Siyempre nakalabas na ako, dyahe naman kung pasok agad ako diba?

Observe ko nalang muna siya dito mula sa labas.

Hmm. Kakanta rin kaya siya?

Haynaku, malamang no?

Natural ang gagawin ng tao sa Ktv bar ay kakanta, alangan namang sasayaw?

Utak mo, nasaan te?

Tss. Teka, 'di ko napansing may kasama pala siya.

Buti nalang at hindi babae, kung hindi ay mawawalan nako ng pag-asa. Char.

Hindi ganoon kakisig yung kaniyang companion pero puwede narin.

Sa mundo ngayon, 'di ata praktikal making choosy pero why settle for less di ba? :D

Hinanap ko na raw yung kaibigan ko baka mamaya tinakbuhan na pala ako.

1 SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon