Saan ang taguan?
Saan matatagpuan?
Saan ang daan?
Sa lugar kung saan walang patayanNasan ang hustisya
Sino magpapasya?
Mahahanap ba ng pulisya
O patuloy magpapatay malisyaPaano lalaban
Kung kalaban ay kamatayan
Mga politikang nagkakamayan
Paramihan ng kayamananAno nga bang sukatan
Sinong may kakayahan
Kailan matututong lumaban
Ano nga bang paraanItigil na ang patayan
Tayo na't magbayanihan
Baguhin ang kasalukuyan
Palawakin ang kapayapaan
