Batman

34 3 0
                                        

Unang beses nagtagpo ang ating mga mata
Tila huminto ang paligid katakataka
Kala mo nakakita ng taong may kapa
Na kaya kang ipangtanggol sa lahat pa

Ika'y lumapit at nakipagkilala
Bigla kang ngumiti at ako'y natulala
Puso'y gusto ng kumawala
Dahil sa ngiting kasing ningning ng tala

Pintig nang puso'y tila bumilis
Mga titig mong hindi matiis at
Ngiti mong kay tamis
Na nagpapakilig saking labis

Kinilala ang isa't isa
Pagkakaibiga'y nagumpisa
Ngunit puso'y biglang napisa
Sa pagaakalang nararamdaman natin ay iisa

Nalaman kong ika'y may kasintahan
At siya'y walang kapintasan
Puso'y nadurog nang dahan dahan
Sakit ay hindi inasahan

Ngunit buhay ay itutuloy
Kakalimutan ang nararamdang hindi pwedeng ituloy
Kahit luha'y dumadaloy
Ngingiti at magpapatuloy

Hindi man alam kung saan magsisimula
Sakit ay unti-unting huhupa
Nararamdaman ay idaan sa tula
Hanapin ang sarili ibalik ang tuwa

Naked WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon