Kaibigan na maasahan
Sa oras ng kalungkutan
Kaibigan na masasandalan
Sa oras ng kahinaan
Sila ang tumutulong sa oras ng kagipitan
Sa gulo man o kapayapaan
Sila'y maasahan
Sa kalokohan man o kasayahan
Sila'y madadatnan
Hindi ka iiwan
Magpakailan pa man
Pag nagyayang maginuman
Ika'y sasamahan
Ituturing kang kapatid
Na sa bahay ay kayang ihatid
Kaibigang gagabay
At laging naka akbay
Tunay na kaibigan
Kay hirap mahanap
Samahang walang kapantay
Turingang pang habang buhay
