Pighati, saya, takot at lungkot
Ang nararamdaman sa mundong patuloy na umiikot
Na nananaig ang takot
Sa kadilimang bumabalot
Mga matang mapanghusga
Salitang mapangbuska
Alipin ang asta
Nang mga taong mahilig sa kompetensya
Sinong gumawa?
Saan nagsimula?
Sino ang nagpalala?
Paano mawawala?
Mapanghusgang mga tao
Sa ginagalawang mundo
Paano matututo
Kung ang turing sayo'y multo
Mga matang mapanghinala
Akala sila'y laging tama
Lagi na lang lumuluha
Kahit walang napapala
Paano tatapusin
Lahat nang pasanin
Paano matatapos
Kung kamay nakagapos
Mga mapanghusga
Akala mo'y mga santa
Na hindi mapupuna
Lagi sila ang nauuna
Ngumingiti ng may hapdi
Kahit dulot ay pighati
Tumatawa ng may kirot
Kahit nararamdama'y poot
Unting unting matatapos
Kahit boses ay paos
Ang mga kamay nakagapos
Mga ngiting kapos
Darating ang araw
Liwanag ay matatanglaw
Mga taong may ayaw
Sasandalan ay ikaw
