Prologue

336 2 2
                                    

Naging mapusok si Mia noon na agawin ang kanyang kalayaan mula sa kanyang mga magulang. Labis ang kanyang panibugho sa kanyang Ate Girlie kaya't naisipian niya ang isang bagay na sa palagay niya'y magbubukas ng daan patungo sa kanyang kaligayahan. Nakamit niya naman ang kanyang hinahangad, lamang ay nakadarama siya ng mumunting sumbat sa tuwing magugunita niya ang kanyang nagawa.

Ngunit ang lahat nang ito ay binigyang kadahilanan ng kanyang isipan. PAG-IBIG. Nang dahil sa pag-ibig ay tinaglay ng kanyang musmos na puso ang isang lihim. Isang lihim na pagkakasala na hindi niya man nagawang ikumpisal sa kanyang ate ay nakamit niya ang patawad nito, na kasalana'y nagbigay kapayapaan sa kanyang puso at isipan.

Isang kwento ng pag-ibig na ang dulot ay tamis. Sa puso'y kikintal upang sa dulo'y lasapin ito sa mahabang panahon. Isang kwentong aaliw at magpapaligaya sa bawat pusong kumikilala sa tamis ng pag-ibig. Enjoy!

MAY LIHIM ANG MUSMOS NA PUSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon