KABANATA 6
Gabi na nang dumating ang Mommy at Daddy ni Mia. Kasama na ng mga ito ang kanyang Kuya Eddie.
“Kumusta kayo rito ni Mercy ha, Baby?”
“Okey lang, Mommy. No hassle!”
“Ang Ate mo, natuloy sa seminar niya?”
“Di nasabi sa inyo ni Kuya?”
“Nasabi, baka ‘ika ko hindi eh.”
“Duda kayo kay Kuya?”
“I am just checking out kung lahat ng sinasabi sa ‘kin ay totoo, anak. Just checking it out.”
Nakatulog nang mahimbing si Mia nang gabing iyon. Maghapon ding naghintay sa pagdating ng kapatid na babae.
“Hay, pagod ako, sis. Alam mo ba ang gusto kong gawin sa mga sandaling ito?”
Kararating lang ni Girlie. May dalang mga pasalubong na papaya’t mga delicacies ng Cavite.
“Ang humiga sa malambot at mabango kong kama! I just want to rest!”
Sinundan lang ng tingin ni Mia ang kapatid habang papasok sa silid nito. Bago isinara ang pinto’y pasigaw na tumawag pa kay Mia.
“Thank you, Sis sa pagbabantay sa room ko. Thanks!” May kumurot ba guilt-feelings kay Mia. Pero binalewala na rin iyon.
“Anong malay ko, baka naman palpak eh”, bulong niya sa sarili.
Kinaumagahan, late nang bumangon si Girlie. Masama ang timpla ng katawan.
“Parang lalagnatin ako, Mommy. My whole body aches.”
“Ipapatawag ko si Doctor Cruz. O gusto mong tayo na ang pumunta sa klinika niya?”
“Tayo na lang, Mommy. Hihingi tuloy ako ng excuse letter para sa di ko pagpasok ngayon.”
Kinakabahan si Mia. Naalala ang ginawang munting kasalanan sa kanyang Ate Girlie.
Nang dumating siya nang hapong iyon may balita sa kanya si Mercy.
“Binulutong ang Ate mo, at grabe ang tama. Malalaki’t mukhang malalim ang mga bulutong niya.”
“Asan ang Ate ko ngayon?”
“Nagkukulong dun sa silid niya.”
“Hindi pwedeng makausap?”
“Hindi pa, nakakahawa ang sakit niya eh. Gusto mong magkabulutong din?”
Hindi umimik si Mia. Parang di makapaniwalang nangyari nga ang ibig niya.
“Ano kaya Mia kung maging malalim ang mga bulutong ng kapatid mo? Papangit ang kutis niya!”
“Ganun nga kaya?”
“Ewan natin. Pero mayaman kayo eh. Kaya ng Ate mong magpadoktor sa mga doctor sa balat. Hindi magiging problema ang bakas ng mga bulutong niya ngayon. Pero siyempre, hindi agad magbabalik sa dati ang kutis niya. Kahit pano’y maaapektuhan iyon, makikita mo.”
At hindi nga nagkabula ang sinabi ni Mercy. Malalalim ang mga dumaleng sugat kay Girlie. Matindi ang bulutong na dumale sa kanya. Dagdagan pa ang pagkakaroon niya ng complications. Maiitim na scars ang naiwan sa kanyang braso’t mga binti. Pati ang mukha niya na makinis ay di rin pinatawad ng bulutong. May mga malalalim na scars na iniwan dun. Maiitim na talagang nagpapangit kay Girlie.
“Bakit ayaw mong labasin si Zaldy? Kanina pa siya sa sala ah.”
Mula rin ng masira ang kanyang kutis, lagi na ring nagkukulong si Girlie sa kanyang silid. Lalabas lang kung papasok. Nawala na rin ng sigla sa pakikipagsosyalan. Naging tila anti-social ang kapatid ni Mia.
“Ikaw na lang ang lumabas dun. Ikaw na lang ang makipag-usap sa kanya.”
“Pero ikaw ang binibisita niya. Hindi ka raw niya nabisita noong may sakit ka pa, ngayong magaling ka na, gusto ka niyang makausap.”
“Please, Sis. Ikaw na lang. I don’t want to see Zaldy. Ayokong makita niya ako sa ganitong ayos ko.”
Hinagod ni Mia ang kabuuan ng kapatid. Lagi na ‘tong nakapantalon. Di na nagsi-short. Naka-long sleeves at parang lagging tinatago ang kanyang mukha.
“K-Kahit siguro ganyan ka, di ka pa rin pipintasan ni Zaldy. M-Mukhang m-may crush siya sayo eh.”
Umiling si Girlie. Waring gusting maiyak.
“Noon, medyo interesado siya sa’kin, ngayon kaya, would you think he would still want me for what I am now?”
“Hindi ka naman nag-iiba ah.” Gusto ring maniwala ni Mia na di nga naapektuhan ang pinagmamalaking assets ng kapatid. Pero alam niyang nagsisinungaling siya.
“Look Sis, aminado naman ako na kung wala ang makinis kong kutis, hindi ako maganda. Ikaw, you got a lovely face. Ako karaniwan lang. Ang kutis ko ang nagdadala sa personalidad ko. Nawala pa!”
Hindi na napilit ni Mia na pakiharapan ng kapatid ang bisitang si Zaldy.
“I don’t know kung maaawa ako o maiinis sa kapatid mo Mia. Hindi lang naman siya ang nagkaroon ng bulutong. Marami riyan. Pero bakit para bang the end of the world na ang hatid nito sa kanya?”
“Nakita mo naman, how my sister cherishes her great skin. Ang kanyang legs. Napinsala iyon. Masisi ba natin siya?”
“She’s vain. She is just plain vain.”
At simula iyon ng pagiging close nina Mia at Zaldy. Dahil panay ang iwas ni Girlie sa binatang kapitbahay, kay Mia nabaling ang interes nito. Ang pakikipagkaibigan.
“Alam mo Mia, ngayon ko lang nalaman na iba ka sa kapatid mo. Na wala kang mga hang-ups. Sure ka sa sarili mo, secure ka sa kung anong mayroon ka. At iyan ang gusto ko sa babae. Walang pretentions. Ikaw kung ano ikaw.”
Kinabig ng puso ni Mia ang sinabi ni Zaldy. Ikinatuwa ng puso niyang may lihim na tibok at pag-aalala.
BINABASA MO ANG
MAY LIHIM ANG MUSMOS NA PUSO
Teen FictionPano kung magiging karibal mo ang iyong ate pagdating sa pag-ibig? Hahayaan mo nalang ba na magkatuluyan sila o gagawa ka ng paraan para hindi? =)