Chapter 3

133 1 1
                                    

KABANATA 3

Nakakaisang linggo na mula nang makalipat ang pamilya nina Zaldy sa subdivision. Naging mabilis ang pagdevelop ng friendship ng dalawang magkatapat na pamilya. Si Zaldy ay malapit kay Eddie habang ang bunsong anak na si Sandy ay kay Girlie. Iyon ay dahil magkakasing-edad ang mga ito. Pakiramdam na naman ni Mia ay left-out na naman siya. Walang kakampi’t di kasama sa grupo.

Ang masakit pa sa dalagita’y nakikita niyang interesado si Zaldy sa kanyang Ate Girlie. Nasasaktan siya. Nasasaktan ang bata niyang puso na noon pa lamang nakakadama ng kakaibang tibok para sa bagong kapitbahay.

“Hi Baby,” bati ni Zaldy kay Mia nang magkasalubong silang kapwa palabas ng bahay. Papasok sa school si Zaldy. Kipkip sa kaliwang braso ang mga notebooks at libro.

“Pwede ba, I’m not a baby! Kita mong high school na ko. At senior na no?”

“Oops. Masama yata ang ihip ng hangin… suplada ang baby!”

“Sabi nang di ako baby ang kulit mo!”

“Oo na… pasok ka na ba?”

“Naghihintay ng school bus ko, eh di papasok!” Napangisi si Zaldy sa kanyang tinuran. Waring nakakalokong tinignan mula ulo hanggang paa ang dalagita.

“Oh bakit ganyan ang tingin mo?”

“Akala ko, di ka na baby, nagschool bus ka pa?” Umirap lang si Mia. Pinaghigpit ang pagkakayakap sa kanyang school bag.

Siya namang paglabas ni Girlie. Papasok na rin sa kanyang klase. Nakita ni Mia ang reaksyon ni Zaldy nang masulyapan si Girlie. Hindi niya nakikita iyon kung siya ang kaharap nito.

“H-Hi… pasok ka na?”

“Hi. Oo, ikaw?”

Pakiramdam ni Mia, wala siya sa lugar na iyon. Hindi siya nag-e-exist.

“Oo. Sabay na tayo, pwede?”

“Sige… nang makalibre ako ng pamasahe!” Kung di pa siya nagsalita di siya mapapansin muli ng dalawa.

“Kung magsasabay kayo, pwede ba dun kayo mag-abang ng sasakyan. Huwag dito. Hindi kayo hihintuan ng traysikel no?”

“Ay ang little sister ko, nagtaray na naman. Oh, wala pa ba ang school bus mo?”

Pabarang ang sagot ng dalagita sa kapatid.

“Palagay ko, wala pa, andito pa ko eh!” Nadagdagan ang inis at inggit ni Mia nang makita niyang nagbulungan pa sina Zaldy at Girlie, tapos ay naghagikhikan.

“Oh bakit? Nakakatawa ba ang sinabi ko?”

“Sis, maghintay ka na lang ng school bus mo riyang at kami’y mag-aabang ng masasakyan dun sa abangan.”

“Bye Mia!”

“Ngek-ngek ninyong dalawa!” anas ng dalagita. Inggit na inggit sa dalawang papalayo.

Pero matagal din niyang hinabol ng tingin ang kapatid at si Zaldy. Parang kinukurot ang puso niya sa nakikitang tamis ng pagtitinginan ng mga ito.

Kaya nga nang dumating ang kanyang school bus, ang tsuper na suplado ang nakatikim ng ngitngit ni Mia.

“Bakit ngayon lang kayo, kanina pa ko. Kapag nalate kami sa klase naming, kayo ang mananagot kay Sister Victoria!” Di na nakuhang makasagot pa ng tsuper, naunahan na siya ng pagtataray ng dalagita.

Hanggang sa kanyang klase’y dala ni Mia ang pagsusungit.

“Mia, my goodness, bakit ba ang sungit mo?” ang bestfriend niyang si Alou. Nasa canteen sila. Sarap na sarap na sa pagkain ito’y di naman tumitikim man lang ng biniling egg pie ang dalagita.

“Alou, what would you feel kung you’re in love at ang love prospect mo’y in love naman sa iba?”

“I’ll die!” diretsong sagot ni Alou.

“Then I am dying, Alou… I am dying!” Napahinto sa pagsubo si Alou.

“Are you serious, Mia” Tumango ang dalagita.

“Sino ang guy, anyone from here?” Umiling si Mia.

“A new kid in town?” Tumango si Mia.

“Yung bagong lipat sa bahay dati ng mga Belen?” Iisang subdivision lang ang tinitirhan nila.

“Pano mo nalaman?”

“Gaga, may nailihim ba sa subdivision natin? Saka talagang cute ang Zaldy nay un eh!”

Tiningnan ni Mia ang kaibigan. Nasa mata ang pagseselos.

“Hoy, count me out sa mga may crush kay Zaldy no? Alam mo naman na my heart belongs to…” napahina at napahinto ang pagsasalita ni Alou nang matanawan ang paglapit ng isang cute guy sa kanilang mesa.

“Hi Michael!” bati nito sa guy. Nakipagpalitan ng matatamis na ngiti rito.

“Hi girls… especially sayo Mia.” Irap lang ang tinugon ng dalagita. Di pinansin ang pagpapa-cute sa harap niya sa lalaki.

“Alou, may pinag-usapan tayo, ano ba?”

“Ay, onga pala. Ano nga pala yun?” nakalayo na si Michael sa kanilang mesa.

“Ang heart problem ko.”

“Tell me, kanino naman ba dumidiskarte si Zaldy? Wala pa yata akong balita ron ah. Taga-atin din ba?”

“Of all people, alam mo bang sa Ate Girlie ko pa?!” Sinabayan ng subo ni Alou ang pagtango sa tinuran ng kaibigan.

“Hoy sabi ko kay Ate Girlie ko yata may crush si Zaldy!”

“Well ito lang ang masasabi ko, Mia. Don’t waste your time. The war is over… you’re on the losing side, itaas mo na ang bandera mong puti no?”

Gustong umatungal ni Mia sa sinabi ng kaibigan. Pero alam din niyang nagsasabi ito nang totoo. She’s nothing compared sa kanyang Ate Girlie. Tinalo na naman siya ng kanyang Ate Girlie! Pero alam din niyang di siya patatalo nang ganun na lamang. Kailangan din niyang lumaban. Kahit kurot lang, makaganti, makakurot din sa puso ng kanyang Ate Girlie.

MAY LIHIM ANG MUSMOS NA PUSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon