Chapter 4

94 1 0
                                    

KABANATA 4

Biyernes ng hapon. Maagang naihatid ng school bus si Mia. Si Mercy lang ang dinatnan niyang tao sa kanilang bahay.

“Sinundo ng Daddy mo ang Mommy mo’t sinama sa Tagaytay. May lalakarin yata sila ron tungkol sa buyer ng mga goods ninyo sa shop.” May maliit na export-business ang kanyang mga magulang.

“May binilin ba para sakin?”

“As usual, huwag ka raw makulit!”

“Mercy ha? Kinakalaban mo na ko? Kala ko ba kampi tayo?”

“Oo na, kampi na tayo. Oh, anong gusto mong miryenda?”

“Ayoko, wala akong ganang kumain eh. Kanina pa ako di tumitikim ng kahit anong pagkain.”

“Huwag mong sabihing nagre-reduce ka?”

“Hindi, inlove ako eh!” Nangiti lang ang katulong sa sinabi ni Mia. Nagtuloy na sa kusina. Sumunod ang dalagita.

“Oh, may iuutos ka Baby?”

“Mercy ha? Inaasar mo ko no?”

“Hindi, binibiro lang kita, Miss Mia.” Hinila ni Mia ang silya sa working table. Umupo roon. Sige naman sa paghahanda ang katulong ng iluluto para sa hapunan.

“Mercy, sabihin mo nga sakin, why do they treat me like a child?”

“H-Ha? Huwag mo kong englesin… alam mo namang mahina ako riyan eh!”

 “Sabi ko, bakit nila ako binebeybi… dalaga na ko dib a? Sixteen na ko at ready for loving!” Pasalyang isinara ni Mercy ang pinto ng refrigerator. Anyong natawa sa kanyang narinig.

“Ikaw rin naman ang may gusto nun di ba?”

“Ang alin?”

“Ang pagbebeybi sa iyo ng Mommy mo’t mga kapatid.”

“Of course not, I resent it. Ayoko nun!”

“Eh bakit ka beybi pa rin kung magkikilos? Kung gusto mong maging dalaga, kumilos ka gaya ng Ate mo.”

“Mercy, sino ang mas maganda samin ng ate ko?” Hindi na nag-isip pa ang katulong ng isasagot.

“Ikaw pero…”

“A-Ako talaga?”

“Oo, ikaw pero mas angat sayo ang Ate mo sa personalidad. Kasi nga marunong na siyang magdala ng kanyang sarili. Hindi na, anong tawag dun sa nag-iisip bata sa ingles?”

“Childish!”

“Yun na nga… childish ka!” Umupo si Mercy sa tabi ni Mia. Nagsimulang himayin ang mga sangkap ng iluluto.

“Pero alam mo, Mia, ang nagdadala lang naman sa Ate mo’y yung maganda niyang kutis. Saka ang binti niya. Madali kasing makaakit yun sa mga lalaki. Ang hubog ng katawan. Kita mo ko, aminado ako na di ako maganda, pero look naman sa body ko, maraming naloloko rito!” hindi tinutulan ni Mia ang sinabi ng katulong. Aminado rin siyang maganda nga at may korte ang katawan nito. Marami ring lalaki sa kanilang subdivision ang hanga rito. Lalo na yung tsuper at construction workers na dumadayo sa kanilang lugar kung may itinatayong bahay.

“Subukin mong mawala ang ganda ng kutis ng Ate mo; wala siyang sinabi sayo. Hindi yan bola ha? Nagsasabi lang ako ng totoo.”

May kumislap na kung anong ideya sa kukote ni Mia. Mabilis na iniwan ang katulong.

“Hoy Mia, san ka pupunta, kala ko magkukuwentuhan pa tayo!”

“Saka nalang Mercy, may gagawin lang akong homework ko. Kapag tapos na ko, tuloy ang tsikahan natin ha?”

Sa kanyang silid, naglalaro sa isip ni Mia ang sinabi ng katulong.

“Sabagay ang binti niya’t kutis lang naman ang ikinalamang niya sakin… what if she loses that asset? Ano na kaya ang hitsura niya?”

Naglaro rin sa isip niya kung anon a rin ang magiging reaksyon ni Zaldy kung saka-sakaling ngang di na nito makita ang hinangaang katangian sa kanyang Ate Girlie. May chance na siyang mapansin nito. Mabaling ang interes at atensiyon sa kanya.

Matagal na nag-isip ang dalagita kung paano nga at kung possible ngang mawala ang katangiang kinaiinggitan niya sa kanyang ate.

Lumabas ng silid niya si Mia nang tawagin ni Mercy.

“Andiyan na ang Kuya mo, tinatawag ka. Kakain na raw kayo!”

“Ang ate ko, andiyan na?”

“Wala pa.”

Dinatnan ni Mia ang kapatid na nasa hapag-kainan.

“Bakit di pa natin hintayin ang Ate Girlie? Dadalawa lang tayong kakain.”

“Mamaya pa ang dating nun. May pinuntahan sila ni Zaldy.”

Biglang nawalan ng gana sa pagkain ang dalagita. Hindi halos nagalaw ang pagkain sa kanyang pinggan.

Lalo lang siyang tumamlay nang gabing iyon nang ihatid ni Zaldy ang kapatid na babae. Nakita ang matamis na pagpapaalaman ng mga ito.

Kumatok sa silid niya ang kanyang Ate Girlie.

“Sis. Ikaw nang bahala sa room ko, two days kami sa Cavite. May seminar kami ron eh.”

“Kelan ang alis mo? Alam na to ni Mommy?”

“Oo, nung isang linggo pa. Bukas ng umaga ang alis ko.”

Gustuhin mang isipin ni Mia na sana’y magkaroon ng aksidente ang kanyang kapatid at masira ang pinagmamalaki nitong asset ay di niya magawa. Mahal din naman kasi niya ang kanyang kapatid at she won’t resort to such horrible means. Pero naisip din niya paano nga kaya kung magkataon mawala ng kanyang kapatid ang pinagmamalaking assets nito? Ikakatuwa nga kaya niya iyon at ikaliligaya?

MAY LIHIM ANG MUSMOS NA PUSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon