Mangoes, Jackfruit at pagbabalik tanaw.

43 2 0
                                    


"Seriously?"

Yan ang nasabi ko nang makita
ko ang laman ng ref ni Laine.

Bukod sa tubig, mga hinog na mangga at langka lahat ang laman.

"Wala ka na bang ibang pagkain bukod sa Mangga at Langka? "

"Yan lang ang pwede kong kainin."

" Bakit?"

"Basta!"

Nasa condo unit niya kami. Condo unit na ako nagbigay 2 days ago.

Utang ko ang buhay ko sa kanya matapos niya akong iligtas sa tiyak na kapahamakan 2 days ago.

I was a victim of hit and run. Kakalabas ko lang ng subdivision namin. Papunta na ako ng trabaho. That day ay di ko dala ang kotse ko dahil ipinahiram ko muna sa sister ko.

Habang nag- aantay ng masasakyan, nakatanggap ako ng text mula sa katrabaho ko.

Abala ako sa text ng di ko namalayan ang humahagibis na parating na kotse.

( So guyz, don't text while your on the road. Nakakamatay!!!!!)

Tumilapon ako pati ang cellphone ko.

Injured ako masyado halos di nako makagalaw. Akala ko talaga eh katapusan ko na.

Nararamdaman ko ang mainit na daloy ng dugo sa noo ko at halos naninilim na ang paningin ko.

Bago pa ako mag blackout, nakita kong dumating si Laine at tinulungan ako...

Nanlalabo na ang paningin ko pero alam ko, may kakaibang nangyari. Himala baga..

Ipinatong niya ang palad niya sa noo ko at halos masilaw ako nang lumiwanag ng pagkaliwanag.

Hanggang sa nagising ako sa loob ng isang private na kwarto sa ospital.

Siya ang una kong nakita. Natutulog sa isang upuan sa tabi ng higaan ko habang may konteng laway sa gilid ng bibig niya.

In fairness, kahit iyun ang unang scenario na nakita ko after ko magising, masasabi kong maganda ang "anghel" na tumulong sakin.

Ang pinagtataka ko, wala man lang kahit anong nakakabit sa katawan ko. Ni dextrose ay wala. Sigurado akong seryoso ang naging lagay ko nang mabundol ako. Pero parang natulog lang talaga ako dito sa ospital. I'm totally OK.

Nakapagtataka talaga.

Hanggang sa nagising na siya at nakita niya akong nakadilat.

Umupo ako at wala man lang akong naramdamang kahit anong kirot sa katawan. Ni sugat ay wala.

Pasimple pa siyang nagpunas ng bibig niya.

" Gising ka na pala," ang sabi niya.

Tinignan ko muna siya ng mabuti at inisip ng mabuti ang nangyari.

" Are you an angel?" Ang tanong ko sa kanya.

Komonot ang noo niya.
" Ha? Bakit mo naman nasabi?"

" Sa naalala ko, ipinatong mo ang kamay mo sa noo ko at biglang lumiwanag."

Natawa siya.

" Nako, mukang nadamage yata ang memory niyo...Buti na lang hindi ka sumunod sa liwanag..."

" Pero sigurado ako sa nakita ko."

"Look at me sir. Do I look like an angel to you? " ang nakangiti niyang tanong.

" Yes you are! You're beautiful." ang nakangiti ko ring sabi.

"Is this how you thank me? Ang bulahin ako?"

"No, I'm serious. Maganda ka. Saka nga pala ilang araw na ba ako nandito?"

" Actually matagal na.... kalahating araw pa lang naman".

" Really? At wala man lang ako ni isang injury?"

" Meron sir! Sa utak. .. Nakita lang kitang walang malay sa daan. Mukhang wala ka naman sugat pero dinala nalang kita dito sa ospital para sure. Baka kulang ka lang sa pahinga" ang sabi niya.

"Parang hindi ganon ang naaalala ko."

"Saka nga pala alis nako, mukang OK ka na rin naman. By the way, lahat ng gamit mo nandiyan sa table." Ang pag-iba niya ng usapan at akmang pupunta na siya ng pintuan.

Dali-dali akong bumaba ng bed at hinawakan siya sa kamay.

" Wait! Huwag ka munang umalis." Ang sabi ko.

Nang lumingon siya sa akin, " Bakit?"
Tanong niya at inilipat niya ang tingin niya sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya.

Binitawan ko tuloy bigla ang kamay niya.

"Hindi pa kita napapasalamatan... Ano ba pangalan mo?"

"Uhm.. Laine. Eh ikaw?"

"Im Bobby. Alam mo Laine, hindi ako matatahimik hanggat hindi ko mapapasalamatan ang anghel ko."

"Itigil mo nga ang kakatawag sakin ng angel."

"San ka nga pala nakatira?"

" Ha?.. Teka... San nga ba?"

"Binibiro mo ba ako? San nga?"

Hindi siya nakasagot. Mukhang nag-iisip..

"Hindi ko talaga maalala pati nga ang tunay na pangalan ko."

"Are you serious? Sino na ngayon satin ang nadamage ang memorya? ... Baka naman myembro ka ng sindikato?"

" Nako!... Baka nga. Pero seryoso, Hindi ko maalala. " pagkasabi niya ay dumeretso na siya ng pintuan. Tumingin siya sakin sandali.

" Sige, alis nako."

" Teka lang" sabi ko at sinundan ko siya sa pintuan.

"Kung wala kang uuwian, dito ka muna. Hintayin mo ko sandali. At aayusin ko lang ang bill ko dito sa ospital."

Nang makalabas kami ay sumakay kami ng taxi at pumunta kami sa condo unit ko. Ilang bwan ko narin hindi ginagamit ang unit ko, tumira muli ako sa bahay namin sa subdivision para samahan ang younger sister ko since nagpunta abroad ang parents namin.

" Sigurado ka? Dito mo ko patitirahin?" Ang tanong niya pagkapasok namin.

"Wala na ako sana ngayon kung hindi dahil sayo. Kahit di kita kilala, mukhang mapagkakatiwalaan ka naman"

" True friend lang ang gusto ko. As in true friend. Yung hindi ako iiwan kahit kailan. Ok na saking kabayaran yun. Actually hindi naman ako naghihintay ng kapalit.
Baka naman maging pabigat pa ako sayo."

" Pabigat ba ang tawag sa isang taong naging savior mo?.. Don't worry, gusto ko talaga tumanaw ng utang na loob. By the way, kailangan ko ng pumasok sa trabaho, saka na kita iinterviewhin. I"ll be back two days from now, OK?" Ang sabi ko sa kanya.

Binigyan ko rin siya ng pera para makapamili ng mga kailangan niya, pagkain at damit.. Wala kasi siya kahit ano maliban sa suot niya. Na akala mo ay aatend siya sa isang costume party, naka overall na shiny.

And one thing most important, I pledged before ako umalis, that I will be her true friend as long as I live at handa rin akong itaya ang buhay ko para sa kanya. Kahit di ko alam kung sino ba talaga siya.

My GF from Planet Che-che???(on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon