Ang friend kong Alien..kono!

21 2 0
                                    


"Mabuti na lang nagtake out ako ng food, kung hindi eh mapupurga ako sa mangga at langka..". Ang sabi ko habang kinukuha sa plastic ang mga binili ko sa lamesa.

"Ang dami naman ng binili mo?"

" Shempre dalawa tayo."

" Sabi ko nga sayo hindi ako pwede kaumain ng iba kundi Langka lang at mangga."

" Bakit nga? Ang weird mo naman. Hindi ba sasama ang pakiramdam mo? Puro langka at mangga lang ang kakainin mo sa araw- araw? Sa buong araw?"

"Hindi. Alam mo kasi... Basta, hindi mo rin ako maiintindaihan."

" Sabihin mo kaya nang maintidihan ko."

" Baka kasi... hindi ka maniwala o pagtawanan mo lang ako at sabihin mong nababaliw nako."

"OK, try me"

"Isa akong alien"

"Nababaliw ka na nga"

" See? I told you, hindi ka maniniwala"

"Eh kasi naman, parang puro kalokohan lang naman pinagsasabi mo. Ang ganda mo pa naman, may saltik nga lang."

"Alam ko, parang kalokohan nga pero totoo."

"Nagshashabo ka yata eh, baka matukhang ka.."

" Hahaha... Bahala ka kung ayaw mo maniwala. Teka, ano ba yung nagshashabo?"

" Nako!... Kung wala lang akong utang na loob sayo ewan ko kung kinakausap pa kita. Ang ganda mo pa naman sana"

"Tanong ko lang, tunay ka bang mapagkakatiwalaan?"

"Well dapat ako ang nagtatanong niyan sayo. Kakakilala lang natin."

"Mangako ka muna, magiging true friend ka sakin, hindi ka matatakot sakin"

"Oo na... Ano ba talaga kasi? Magbabagong anyo ka ba o ano? Teka teka lang....parang kinabahan naman ako kung ganun nga."

" Hindi!.. Ano ka ba? Hindi ka rin naman matatakutin no?"

"Sensya... Hindi lang talaga ako makapaniwala na nag-uusap tayo ng mga out of this world na mga topic.."

" pero sandali lang, para masarap ang kuwentuhan, kuha muna ako ng food ko."

Pagkatapos ay tinungo niya ang ref at kumuha ng tatlong malalaking buong hinog na mangga at hiniwa bawat sides ng mga iyon at inilagay niya sa pinggan.

"Sige na kain ka na at kain na rin ako."

Inumpisahan na namin ang kain na sinabayan ng kuwentuhan.

"Alam mo, kung gusto mong makita ang totoo kong anyo eh ....."

"Wait a minute! Totoong anyo? Dont tell me, aswang ka?"

"Aswang? Alien nga! As in Alien!  Alien!"

"Hindi ko alam kung dapat ko pa ipagpatuoy ang pakikipag usap sayo..OK, continue..!"

"So, saan na ba ako? Ah! I remember it now, kung gusto mo na magpalit anyo ako eh kailangan ko gamitin ang bemra ko."

"Ano? bemra? Ano yun?"

" Yun ang term namin sa powers namin."

"Really? May powers kayo?... Naku! Talagang sabog ka yata eh?!"

Sumimangot tuloy siya.
"Itutuloy ko pa ba ang pagkukwento?"

"Oo na. Sige na, continue!"

" Ok,  aamin na ako. Pinagaling nga kita. Kaso hindi ko na puwede gamitin ang bemra ko ng basta basta kasi may bad effect sakin"

My GF from Planet Che-che???(on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon