"Well.. Since nandito ka sa Earth, you can live like one of us..""Umm..not bad idea."
" Kung gusto mo pwede ka magtrabaho at kumita of course. May sarili ka nang pambili ng mangga at langka just in case na kulangin ka at kung hindi ako makavisit sayo."
" Oy, gusto ko niyan!.. "
" Saka nga pala, nagdownload ako ng mga video na makakatulong sayo. Panoorin mo nalang natin mamaya"
" Ok. Saka nga pala, anong sasabihin ko kapag tinanong ako kung kaano-ano mo ako? Alam ko na!Pwedeng asawa mo ko kunwari para hindi magtataka ang mga tao bakit tayo magkasama."
" Wow! Asawa agad? Hindi ba dapat girlfriend muna?"
" Girlfriend? Ano yun? Sa planet Cheche kasi, kapag ang dalawang nilalang ay nagsama o maging malapit sa isa't-isa eh mag-asawa na. Haharap sila sa marami ididikit ang kanilang mga noo at kasabay nun ay magkalapat ang kanilang mga palad. Yun ang tanda na mag asawa na sila."
"Ah..ganun ba.. Dito kasi sa Earth meron kaming girlfriend and boyfriend relationship. Nag iibigan at gusto nila ang isa't isa pero still they are getting to know each other...more. Kung baga extension yun ng ligawan. Kapag ready na sila magsama saka sila nagpapakasal at magiging mag-asawa na sila."
" Ah.. Sige payag nako. Girlfriend mo ko kunwari!... Ano ginagawa ng girlfriend sa boyfriend para malaman na may relasyon sila?"
Hindi ko malaman kung ano ang dapat ko isagot sa kanya. Nangangapkap ako ng sagot.
" Basta malalaman mo na lang."
"Paano ba ginagamit yung maitim na manipis na kahon?" Sabi ni Laine at itinuro ang flat screen TV.
"Yun ba? Para manood. Kung gusto mo manood ng programa lalo na kapag nababagot ka na ."
Tumayo ako at kinuha ang remote. Binuksan ko ang TV.
"Anong programa ba ang gusto mo?"
" Meron ba yung tungkol sa pag-aasawa?"
Bigla akong nasamid at inubo.
" Napaano ka Bobby?"
"Wala. "
Binigay ko ang remote sa kanya. Itinuro ko sa kanya kung paano ilipat ang Channel, i-adjust ang volume pati ang on and off.
" Manood ka na nga lang."
Inumpisahan na niyang kalikutin ang remote. Lipat dito,lipat doon. Hanggang sa huminto siya sa channel kung saan magkikiss na ang isang couple. Sina Richard Gutierrez at Angel Locsin sa pelikulang Let the love begin.
Titig na titig si Laine sa pinapanood niya. Nang walang ano-ano'y
" Pwede ba natin gawin yan? Anong tawag diyan sa ginagawa nila?"
"Ha?.. Kiss ang tawag dyan. "
" So pwede natin gawin?"
" Of course yes..I mean no!.. Kunwari lang naman na girlfriend kita."
" Bakit masama ba yun?"
" Hindi."
" Hindi naman pala, e di try natin" pagkasabi niya, mabilis pa sa alas kwatrong nangyari ang lahat. Ramdam ko talaga ang pagdampi ng labi niya sa labi ng dalawang segundo.. Hindi man lang ako nakagalaw. Ilang sandali rin akong hindi nakapagsalita. Hindi ko malaman ang sasabihin ko.
" See, madali lang pala eh".. Ang inosenteng sabi niya. "Pero ano ba ang kakaiba doon?" Ang dagdag niya pa.
Nang hindi siya makarinig ng sagot ay bumalik siya sa panonood. At one to sawa na naman kakalipat ng channel.
Kung binibiro ka nga naman ng tadhana eh bigla siyang tumigil sa HBO, at ang palabas... Love scene ni Samantha at ng isang lalaki sa pelikulang Sex and the city.
" Eh eto? Pwede ba nating gawain?"
Parang tatalbog ang puso ko sa sitwasyon.
Bigla akong tumalikod sabay sabing,
" Pupunta muna ako ng banyo."
Pagdating ng banyo,
Shocks Laine!.... Wala bang sex sa planet Cheche?.. Paano ba kayo dumadami, pino-photocopy?... God!
Nakaharap ako sa salamin, nakatukod ang dalawang palad sa wall.
Nang lumabas ako busy pa rin siya sa kakanood ng TV. This time, AFC channel siya. Nanonood ng Baked with Anna Olson.
"Tignan mo Bobby, mukhang masarap."
Ang sabi niya na akala mo parang bata na excited sa candy."E di ba hindi ka naman pwede ng ibang pagkain kundi langka at mangga? Black forest kaya yan.."
"E di ikaw... Gusto ko gumawa niyan para sayo. Gusto mo?.." Masayang tanong niya..
Sa totoo lang hindi ako mahilig sa cake lalo na kung may chocolate. Kaya lang ayaw ko naman siya magtampo sakin kapag humindi ako. Kaya,
" Shempre naman, ikaw yata ang gagawa eh" ang sagot ko.
Daig ko pa ang isang best buddy na super excited at over ang moral support. But deep inside parang kinakabahan ako.
Ano kaya ang lasa ng cake na ginawa ng isang alien?
"Talaga?.
Halatang sumaya siya.
*******
BINABASA MO ANG
My GF from Planet Che-che???(on going)
Teen FictionLaine, isang Chean ( from planet Cheche) meets Bobby, isang gwapong earthling! Story of a guy who met, Laine. Meron siyang power na everytime ginagamit niya, she slowly lost her memory hanggang sa pati ang lalaking minahal niya ng higit pa sa buhay...