It's a date!

10 2 0
                                    


Weekend. Wala akong trabaho kaya niyaya ko si Laine magdate.

" Magde-date tayo!" Ang nakangiti kong sabi sa kanya.

" Magde-date? Ano yun?"

"Yun ang kadalasang ginagawa ng magkasintahan. Yung boyfriend and girlfriend relationship.. Nagdidate sila para makasama nila at lubos na makilala ang isa't-isa."

"Sige! Date tayo!"

Alas nuebe palang ay sinimulan na namin ang pamamasyal sa Manila Zoo. Naamazed siya sa iba't-ibang uri ng hayop na nandoon lalo na sa elepante at hippopotamus. Malalaki kasi.

Pagkatapos, naglakad kami sa Luneta. Maraming couple din kaming nakitang nagdedate. Talagang pinagmamasdan mabuti ni Laine ang bawat makita niyang couple.

Maya-maya ay bigla niya akong hinawakan sa kamay. Napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya sakin. Ininguso niya ang isang couple sa likod namin na naglalakad habang nakaholding hands. Napangiti na rin tuloy ako sa kanya. Sinakyan ko nalang tuloy ang lahat ng gusto niyang gawin.

After 5 minutes, kumalas siya sa pagkakaholding hands at inilagay naman niya sa balikat niya ang kamay ko. Siya naman ay humawak sa bewang ko. Tumingin uli ako sa kanya. Ininguso niya ang couple na nadaanan namin na nakaupo sa isang tabi at nag-aakbayan.

Ngumiti na lang ako habang napapailing.

Nang makarating kami sa harap ng Motto Stella, ang monumento ni Jose Rizal, nagselfie kaming dalawa.

"Oy, ang ganda nating tignang dalawa" ang nakangiti niyang sabi.

"Eh eto... " bigla ko siyang  kiniss sa pisngi niya at click.

Akala ko magagalit siya. Pero ako ang nagulat.

Bigla niya akong hinawakan sa magkabilang pisngi sabay halik sa labi.

" Oh diba, masmaganda yun!" Ang nakangiti niyang sabi.

Ngumiti rin ako sabay sabing,

" Baka mamihasa ako niyan sayo."

Bigla niya uli ninakawan ng mabilis na halik sa labi sabay sabing,

" Pwede kung mahahabol mo ako"..

Para kaming mga high school students na naghabolan.
 
Hindi ko mapigilang hindi siya tignan. Mukhang masaya at nag eenjoy siya sa ginagawa namin.

Pagkatapos, dumeretso kami ng isang mall. Naglakad kami habang magkahawak pa rin ng kamay. Pa swing swing pa.

Nakakita kami ng isang photo booth. Inakay ko siya papunta doon.

"Papicture tayo!"

Pagkapasok namin, smile dito, wacky doon. At ang panghuli,hindi ko napigilan, bigla ko siyang hinalikan sa pisngi. Nacute-tan talaga kasi ako sa kanya.Nagulat naman siya at tumingin sakin. Ilang segundo rin kaming nakatingin sa isa't i ,,sa pero sa huli ay nauwi sa tawanan. Hindi parin kami lumalabas sa photo booth.

" Kain tayo! May nakita akong american resto kanina." Ang sabi ko.

"Limot mo na ba?" Di ba hindi nga ako pwede ng ibang pagkain?"

"Naisip ko lang, eh kung gamitin mo yung bemra mo para maka adapt ka sa kahit anong pagkain?"

"Hindi ko pa kasi nasubukan yun. Baka makalimot na naman ako."

" Andito naman ako eh. You trust me, right? Ako bahala sayo."

"OK. Susubukan ko."

Kinuha niya ang isang kamay ko at hinawakan iyon. Inilagay niya ang kanang kamay niya sa tiyan niya at pumikit. 3,2,1,..lumiwanag ang loob ng photo booth.

My GF from Planet Che-che???(on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon