" Pero sa ngayon, masmabuting pag aralan mo muna lahat kung paano mamuhay kaming mga tao, OK?" Ang sabi ko sa kanya.
Tumango siya at ipinagpatuloy ang panonod. Nakaupo lang ako sa bandang kanan niya. Pinagmamasdan ang mukha niya. Mukhang aliw na aliw siya sa kapapanood ng TV.
Naisip ko lang, meron silang mga powers pero wala silang T.V......how funny..
Tinignan ko ang ang relo ko, it's getting late.9:30 na ng gabi. Nagdadalawang isip ako na iwan siya ngayong gabi.
It is so amazing... Hindi ako makapaniwala na nakatagpo ako ng isang kaibigan na kahit sa hinagap ko ay di ko naisip na mangyayari. Magkaroon ng isang alien na kaibigan. Hindi lang basta alien, kundi isang ubod gandang alien. I'm so curious kung malayo ba ang itsura niya ngayon sa totoong anyo niya.
Naisipan kong magtanong sa kanya,
" Laine.."
"Ano yun Bobby?" Ang tanong niya ng hindi man lang tumitingin sakin. Talagang hooked na hooked sya sa TV.
"Sabihin mo lang kung kalabisan ang hihilingin ko sayo ha... Gusto ko sana makita ang totoo mong anyo kung OK lang?"
Dahil doon ay tumingin na siya sa akin.
"Umm...gusto mo talagang makita? Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon mo kapag nakita mo ang anyo ko. Maaaring matakot ka sa akin. At isang bagay pa, hindi ko alam kung ano ang maaari kong makalimutan kapag ginamit ko ang bemra ko para makapagpalit anyo..."
Tumingin ako sa kanya ng mabuti. Maya-maya,
" Huwag kang mag-alala, sakaling may malimutan ka, ipinapangako ko na sisikapin ko ang buo kong makakaya para ipaalala sayo." Ang sabi ko. Mula iyon sa puso.
"Kung ganun wala pala akong dapat ipag alala." Ang sabi niya. Ngumiti siya sakin at tumayo sa harap ng TV, nakaharap siya sakin.
"Handa ka na Bobby?"
"Hindi lang handa, excited pa."
"OK, masdan mo akong mabuti." Ang sabi niya at pumikit.
Maya-maya ay biglang namatay ang mga ilaw at ang TV. Sandaling kadiliman at katahimikan ang pumagitna samin. Hanggang unti-unting namamalas ng mga mata ko na unti-unting lumiwanag ang buong katawan ni Laine. Para siyang fluorescent na hugis tao. Paliwanag ng paliwanag hanggang sa masilaw nako at tuluyang mapapikit.
Nang dumilat ako, tumambad sakin ang tunay na anyo ni Laine.
Hindi siya kulay green na malaki ang ulo at wala rin siyang maitim na mata na kadalasang nakikita sa mga pelikula.
" Wow...." Ang tanging nasabi ko.
Nagniningning ang subrang puti nyang katawan na akala mo ay anak-araw na pinaibabawan ng mga kulay gintong imprenta. Mga pattern na ang ganda at ang astig tignan. Ginto ang kulay at makislap ang mahaba niyang buhok. Higit sa lahat, namangha ako sa mga mata niya, ang pinakamagandang bagay na nakita ko sa buong buhay ko. Sila ay mga dyamanteng kulay bughaw. As in! Literal na dyamente. Nakalutang si Laine habang nakangiti sakin.
"Para sa akin, hindi ka isang alien. Isa kang dyosa Laine."
Maya-maya ay unti-unting siyang bumalik sa anyong tao. Itim ang buhok at ang balat ay katulad ng sa karaniwang tao.
" Nasaan ako, Bobby?" Ang una niyang nasabi. "Paano tayo nagkakilala?"
May nakalimutan man siya, masaya pa rin ako dahil naaalala niya ang itsura ko at pangalan ko.
Ngumiti ako at ikinuwento ang mga bagay na ikinuwento niya sakin. Mula sa pagtulong niya sakin, sa pagkatuto niya ng lengwahe ng tao, ang mga lahi ng Chean, ang dahilan bakit siya tumakas sa planeta nila, ilang bagay na tungkol sa kanila sa planet Cheche, ang pangako kong magiging loyal ako sa kanya na kaibigan at marami pang iba.
Ngumiti rin siya sakin nang walang sinasabi.
" Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Sinusubukan ko lang ang katapatan mo. Ang mga nakalimutan ko lang ay kung ano ang tawag dito at yung nakita ko dito?"
Ang sabi niya at itinuro ang nasa likod niya.Bigla akong napaisip, sa dami nang napanood niya, alin sa mga iyon? Huwag na huwag lang ang tungkol sa kiss at... Hay nako parang hindi ko mabigkas kahit sa utak ko lang ang isa.Napaka awkward kasi.
"Ah ito ba? TV 'to...at alin dun sa mga nakita mo?"
" Yung ginagawa ng dalawang tao doon sa ibabaw ng sasakyan".
Edi wow... Iyon ang lovescene sa Sex and the city.
Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o gagawa na lang ako ng palusot.
" Bakit di ka makasagot Bobby?"
"Ha? E kasi...yung bagay na iyon kasi...pribadong bagay na ginagawa rin sa pribadong lugar. Yung hindi nakikita ng iba kundi kayong dalawa lang. Sex ang tawag dun." Hay salamat nasagot ko naman ng maayos.
" Eh kung para sa pribado iyon, bakit pinapalabas sa TV?" Ang inosenteng tanong niya uli.
" Ha?..Eh...Ewan ko!".. Ang nasabi ko nalang.
*******
BINABASA MO ANG
My GF from Planet Che-che???(on going)
Teen FictionLaine, isang Chean ( from planet Cheche) meets Bobby, isang gwapong earthling! Story of a guy who met, Laine. Meron siyang power na everytime ginagamit niya, she slowly lost her memory hanggang sa pati ang lalaking minahal niya ng higit pa sa buhay...