LUMIPAS ang mga araw na akala ni Ace ay okay na sila ni Mirah. Ngunit nagkamali siya. Dahil isang araw pag-uwi niya ng bahay ay halos ikutin na niya ang buong kabahayan ay wala siyang makitang Mirah. Kaya samo't sari ang biglang tumatakbo sa isip niya na maaring mangyari dito.
Ng marinig niyang meron maingat na nagbubukas ng pinto ay maingat siyang nagtago. Hindi kasi siya sigurado kung sino ito. Ng bumukas ang pinto ay maingat rin na sinara ng pumasok ito. At sa pigura pa lang ng pumasok ay agad na niya itong nakilala. Kaya muli niyang ibinalik ang hawak na baril sa tagiliran niya.
"Saan ka galing?" Malamig ngunit nakakasindak niyang tanong na kinaigtad ng bagong dating. "Tinatanong kita saan ka galing?" Pag-uulit nito.
"Sa labas, alangan naman sa banyo." Sakrastiko namang sagot nito sa kanya. "Diba sinabihan na kitang wag na wag kang lalabas ng bahay." Galit niya ditong aniya. Nakipagsukatan naman ng tingin ang kaharap niya sabay tawa nito ng mapakla.
"Pagud na ako magtago Ace. Gusto ko nang maging malaya sa lahat ng ginagawa ko. Gusto kung makasama ang mga kaibigan ko. Gusto kung puntahan ang mga lugar na walang kinakatakutan. Ace ayaw kung umupo na lang dito ng walang ginagawa. Kailangan may gawin ako bago nila ako mahanap." Emosyonal nitong aniya kay Ace.
Napailing naman si Ace sa tinuran niya. "Naiintindihan kita. Pero kailangan mong magstay dito hanggat hindi nahuhuli ang mga taong gusto kang patayin." Mahinahon nitong paliwanag sa dalaga na mabilis umiling.
"Hindi mo naiintindihan Ace. Hanggang kailan ako maghihintay? Hanggang sa tubuan ng puting buhok ang buhok ko?" Tanong nito kay Ace.
"Akala mo ang madaling tanggapin ang lahat. Ang hirap Ace. Ang hirap-hirap dito," sabay turo niya ng dibdib. "Ang hirap tanggapin na sabay nilang kinuha sayo ang magulang mo. Ang sakit-sakit nun Ace. Kung pwede ko lang hilingin na sana sinama na lang nila ako ay hiniling ko na nang hindi ko maramdaman itong sakit na dinadala ko. Pagud na akong magpanggap na okay lang ako. Pagud na akong ipakita na malakas ako. Ang akala niyo masaya ako dahil tumatawa pero hindi niyo alam ang totoo ay unti-unti akong namamatay ng buhay Ace." Maluha-luha nitong aniya kay Ace. Hindi naman alam ni Ace kung paano niya ito aaluhin.
"Kaya bago nila ako mapatay ay uunahan ko na sila. Okay lang na makulong ako basta mabigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ng magulang ko. Wala narin naman saysay kung mananahimik ako. Wala na rin naman akong pamilyang matatawag ko dahil iniwan na nila akong mag-isa. Kaya aanhin ko pa ang buhay ko sa mundong ito kung mag-isa lang naman ako." Makikita mo sa mukha ni Mirah ang sakit ng pinagdadaanan niya. Hindi mo akalain na kaya niyang itago sa lahat ang tunay niyang nararamdaman.
"Hindi mo pweding gawin yun Mirah. Dahil meron tayong batas na maghuhukom. Sila ang magbibigay ng hustisya sa pagkamatay ng magulang mo." Giit naman dito ni Ace. Mapait namang natawa si Mirah. Dahil alam niyang matatagalan lang mangyari iyon.
"Batas ba kamo. Ilang buwan na ba ang dumaan na wala parin silang nahuhuli. Alam niyo na nga kung sino ang pumatay sa magulang ko pero hanggang ngayon ay malaya parin silang kumikilos. Samantalang ako ay nagtatago dito. Ako na nga ang naagrabyado pero ako pa ang nagtatago. Saan ang hustisya doon. Kaya gagawin ko kung ano ang gusto ko. Gusto nila akong patayin. Pwes magkamatayan na kami ng matapus na ito." Anito sabay punas niya ng isang butil ng luha na pumatak sa pisngi niya.
"Ayaw kung makita nilang mahina ako dahil babae lang ako. Hindi porket nag-iisa ako at babae ay mahina na. Kinuha nila ang mga taong mahalaga sa buhay ko pwes gagantihan ko sila ng isa't isa. Ayaw kung magtago na lang dito dahil hindi ako natatakot mamatay. Lahat naman tayo ay mamatay. Kaya bakit hihintayin kung lapitan ako ng kamatayan. Ako mismo ang lalapit. Dahil gusto kung magpahinga na dahil pagud na ako. Ayaw ko na. Kung pwede nga lang pagpikit ko ng mga mata ko ay hindi na ako magigising ay baka mas makakabuti sa akin iyon." Anito bago niya tinalikuran ang natahimik na si Ace. Gulat na gulat ang binata sa pinagsasabi ni Mirah sa kanya. Dahil tila ibang Mirah ang kausap niya. Hindi kasi ganito si Mirah kung makipag-usap sa kanya.
BINABASA MO ANG
Babysitting The Brat(Completed)
Action"Don't ever think of leaving me. Because you are my today, my tomorrow and my future."-Ace Nathaniel Laurel(GSB-12) @Wild_Amber