Chapter 30

21.1K 573 18
                                    

MULA ng malaman ni Ace na nagdadalang tao ang nobya ay halos hindi siya magkandaugaga para sa kasal nila ng nobya. Gusto niyang sa lalong madaling panahon ay maikasal sila ni Mirah. Ngunit hindi niya alam kung saan ang uunahin niya. At dahil panay buksa ng mga kaibigan niya sa kanya ay kuntsaba niya si Elijah.

"Tangina mo talaga Laurel. Bakit mo ba kinuntsaba itong singkit na 'to para alilain kami." Ang nakasimangot na ani Blake sabay turo niya kay Elijah na nginisihan lang sila.

"Yeah! Sa gwapo naming ito, gagawin mong utusan." Segunda naman ni TJ. "Mga gago talaga kayo. Wala pa nga kayong ginagawa e panay na ang reklamo niyo." Sita naman sa kanila ni Aeron.

"Ikaw Martinez, bakit ka nandito?" Tanong naman ni Duncan kay Austin. "I'm here because I don't have a coin to pay this asshole." Sagot nito sabay turo niya kay Elijah na kampanting nakaupo.

"Ang sabihin niyo, mga kuripot kayo. Kaya ayaw niyong magbigay ng pera sa akin." Ani Elijah sa kanila.

Dahil gusto ni Ace na mapakasalan agad ang nobya ay kaya naman kinailangan niya ang tulong ng mga kaibigan niya. At ng sabihan niya si Elijah ay agad naman ito nakaisip ng kalukuhan. Kaya ng magsidatingan ang mga kaibigan niya ay di maipinta ang mukha ng mga itong kinatawa niya ng lihim.

"Okay! So, what we are doing here Laurel?" Si Simon na agad niyang binato si Chase ng throw pillow na nahawakan niya. Mukhang inaasar na naman nila ito.

"Tangina niyo. Hindi ko kayo pinapunta dito para magtalo kayo. I want to get married soon kaya ko kayo pinapunta dito." Seryosong ani Ace na kinatahimik nilang lahat.

"Um. Anong gusto mong gawin namin?" Pagbasag ni Yugene sa namumuong katahimikan.

"I dont know. Kaya nga ipinatawag ko kayo. Para tulungan akong mag-isip. I don't have any idea sa preperation." Sagot nito.

Halos sumakit ang ulo ni Ace sa mga kaibigan niya. Dahil ang bawat isa ay hindi nagpapatalo kung ano ang gusto. Kung hindi lang niya mga kaibigan ang mga ito ay baka tinamaan na mga ito sa kanya o di kaya ay pinagsisipa na niya ang mga ito palabas ng bahay niya.

"Tangina mo. Mas maganda ang naisip ko." Giit ni Kurt kay JB. "Ang pangit ng naisip mo gago." Sagot dito ni JB.

"Para kayong mga bata. Magsilayas na nga lang kayo," Seryosong sita ni Alex sa mga itong kinakamot nila. "Tanongin mo si Mirah bro, kung ano ang gusto niya. You should ask her first. Wag kang makikinig sa mga siraulo na ito. Baka sa halip na magpakasal siya sayo ay takbuhan ka pa niya." Nakahinga naman ng maluwag si Ace matapus niyang marinig ang tinuran ni Alex.

"Sinong magpapakasal?" Bigla silang napalingon lahat ng marinig nilang nagsalita si Mirah. Hindi nila namalayan ang pagdating nito. Dahil sa busy silang magtalo kung ano ang gusto nilang mangyari sa planong pagpapakasal ni Ace.

"Baby," tawag dito ni Ace sabay salubong niya dito. "Tayo ang magpapakasal." Anito matapus niyang halikan sa noo ang nobya.

"Ah! Akala ko meron isa sa mga kaibigan mong uunahan tayong magpakasal." Nakangiti nitong sagot. "Pinatawag ko sila para tulungan akong mag-isip, kaso puro kabaliwan ang naiisip nila." Saad nitong kinasimangot ng mga kaibigan niya.

"Hindi ako kasali sa kanila. Matino kaya ako." Depensa ni X sa sarili. "Kailan ka pa naging matino Javier?" Tanong naman ni Yugene kay X na ngumisi lang.

"Hindi importante sa akin kung anong style ng kasal natin. Ang mahalaga sa akin ay magkasama tayo hanggang sa pagtanda natin. At mananatiling matatag ang pagsasama natin." Seryoso nitong aniya kay Ace.

"I have to go, dahil sa tingin ko tapus na ang trabaho ko dito. Bantay bata ako ngayon." Ani Frank na karga ang anak niya. "Me too, my wife will kill me." Ani Axel na agad tumakbo ng makita niya si Asher Jade na naglalaro sa labas ng bahay nila Ace na puno ng putik ang damit.

Babysitting The Brat(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon