LUMIPAS ang mga taon na nanatiling matatag ang pagsasama nila Ace at Mirah. Madalang narin pumasok si Ace sa pagiging isang agent niya. Mas pinili niyang asikasuhin ang sarili niyang kumpanya at ang pamilya niya.
Abala si Ace sa harap ng laptop niya ng biglang tumunog ang tawagan niya. Agad naman niya itong sinagot ng makita kung sino ang tumatawag.
"Napatawag ka Murillo?" Bungad na niya dito. "May ipagagawa lang ako sayo." Anang nasa kabilang linya. Napakunot naman ang noo niya sabay sandal niya sa swivel chair niya.
"What is it?" Tanong nito. Agad naman sinabi ng kausap niya ang pakay.
"Murillo, sinabi ko na sayong out na ako sa trabaho kung yan." Ani Ace sa kausap sa tawagan. "Laurel, wala akong maaasahang magtratrabaho sa trabahong ito kundi ikaw lang. Wala si Hernandez at ng kapatid mo." Sagot naman ng nasa kabilang linya na kinabuntong hininga niya.
"Fine, give me the address." Pagsuko nitong kinangiti ng kausap niya. "I knew it. Hindi mo ako mahihindian bro." Saad sa kanya ng kausap na kinailing niya.
"Whatever Murillo." Anito bago niya pinatay ang tawagan.
Segundo lang ang dumaan ng matanggap niya ang address mula kay Frank kung saan ang mission niya. Kaya agad niyang binuksan ang secret cabinet sa loob ng opisina niya at kinuha niya doon ang tinatago niyang sniper.
"Boss, aalis po kayo?" Tanong ng secretary niya ng makita siya nitong lumabas ng opisina niyang meron dalang bag na nakasukbit sa balikat niya. "Oo, kaya kung meron maghahanap sa akin sabihin mong meron akong appointment sa labas." Anito bago niya tinalikuran ang secretary niya.
Agad niyang tinungo ang kotse niya kung saan ito nakapark. Ng makasakay siya sa loob ng kotse niya ay agad niya itong pinaharurot.
Ng marating niya ang lugar kung saan ang binigay ni Frank sa kanya na address ay agad niyang ipinark ang kotse niya sa isang tagong bahagi kung nasaan siya. Mabilis niyang inayos ang mga gamit na dala bago siya lumabas ng sasakyan.
"What the---
Halos mapamura siya sa nakikita ng makita niya ang pinapatrabaho sa kanya ni Frank. "Murillo. What the hell. Uubusin kung patayin ang mga gago na 'to." Anito kay Frank na tinawagan niya.
"Bahala kana Laurel. Ang importante mailigtas mo ang bihag." Anang kausap niya. "Murillo, hindi lang isa ang bihag nila. At minumulistya nila yung iba. Bahala ka nang magligpit ng mga katawan ng mga gago na 'to after ng trabaho ko." Anito bago niya pinatay ang tawagan.
"Mga gago kayo," ani Ace habang nakasilip siya sa maliit na teleskupiyo ng dala niyang sniper. "I will kill you all assholes." Saad pa nito sabay kalabit niya ng gatilyo ng hawak niyang sniper.
"A-aaahhh!"
Biglang napahiyaw ang isang lalaki na inasinta ni Ace. Agad itong tinamaan sa hita. Ng makita ng mga kasama niya ang nangyari dito ay bigla silang nagkagulo.
"Anong nangyayari? Hanapin niyo kung sino ang---" hindi na ito natapus pa ng sasabihin dahil agad nitong nahawakan ang tagiliran na tinamaan ng balang di nila alam kung saan nagmumula.
"A-ano ba hanapin niyo ang s-sniper na yan---aaaahhh! Tangina." hindi ulit ito natapus ng sasabihin niya dahil muli itong binaril ni Ace sa hita. Kahit anong gawin nila para hanapin kung nasaan ang taong namamaril sa kanila ay hindi nila ito makita.
Ng makita ni Ace ang dalawang lalabas ng lumang ware house ay magkasunod ulit niya itong inasinta.
"A-aaahhhh! Anak---"
"A-aray ko. Dyos ko, ayaw ko pa pong mamatay." Piping naiusal ng isa sabay sapo niya ng tagiliran na biglang umagos ang dugo. "Daplis lang yan gago, wag kang umiyak dyan." Sita ng kasama niya.
BINABASA MO ANG
Babysitting The Brat(Completed)
Action"Don't ever think of leaving me. Because you are my today, my tomorrow and my future."-Ace Nathaniel Laurel(GSB-12) @Wild_Amber