MAGHAPON na hindi lumabas ng kwarto niya si Mirah kahit anong tawag sa kanya ni Ace mula sa labas ng pinto ay ipinagtatabuyan lang niya ito. Wala siyang ganang kumain at makipag-usap sa iba. Panay iyak lang niya at mauuwi sa pagtulog.
"Tok Tok Tok"
Naririnig na naman niya ang katok mula sa labas ng pinto. Kaya sa inis niya ay pumasok siya sa loob ng banyo. Agad siyang nahiga sa bathtub habang nakabukas ang tubig. Kaya unti-unting nalalagyan ng tubig ang bathtub.
Samantala halos mapagud na si Ace. Dahil halos oras-oras itong bumabalik sa kwarto ni Mirah para katukin ang dalaga. Ngunit sinisigawan lang siya nito.
"Ang tigas talaga ng ulo." Naisatinig nito ng hindi parin siya pagbuksan ni Mirah. Siya namang pagtunog ng tawagan niya. Kaya agad niya itong sinagot.
"Hey! Bro, anong balita?" Tanong niya agad sa nasa kabilang linya. "Nakatanggap ng tip ang NBI kung saan nagtatago ngayon si Raissa. Kaya ikaw na muna ang bahala kay Mirah. Ako na ang bahala dito." Anang kausap niya.
"Sige, bro." Matapus niyang makipag-usap sa tawagan ay agad niyang ibinalik sa bulsa ang tawagan at muli niyang binalikan ang kwarto ni Mirah. Kinatok niya itong muli. Ngunit makailang katok na siya dito pero hindi na siya sinasagot ni Mirah. Kaya bigla siyang nag-alala para sa dalaga.
"Mirah? Mirah?" Sunod-sunod niyang tawag dito. Pero hindi parin ito sumasagot. Kaya mabilis niyang sinipa ang pinto. Makailang sipa rin ang ginawa niya bago bumigay ang pinto.
Agad niyang hinagilap si Mirah kung nasaan ngunit wala ito sa kama niya. Tanging lagaslas ng tubig ang naririnig niya.
"Mirah? Mirah?" Tawag niya muli sa dalaga ngunit hindi ito sumasagot. Kaya dali-dali siyang pumasok sa banyo at doon agad niyang nakita ang dalaga sa loob ng bathtub habang nakapikit ang mga mata. "Fuck! Wtf. Anong kabaliwan ang ginawa mo?" Anito sabay patay niya ng tubig at mabilis niyang inahon sa bathtub ang dalaga.
"Boss, anong nangyari?" Boses ng isa sa mga bantay sa labas ng bahay. Narinig siguro ng mga ito ang ginanawa niyang pagsira sa pinto. "Pakihanda niyo ang sasakyan at dadalhin natin siya sa hospital." Utos niya dito. Agad naman itong tumalima.
Dali-dali niyang inilapag sa kama ang inaapoy na ng lagnat na si Mirah. Gulong-gulo ang isip ni Ace kung paano niya ito bibihisan.
"Fuck! This is crazy." Anito sabay hilamus ng mukha. Agad siyang kumuha ng damit sa closet ni Mirah at pikit mata niyang hinubad ang suot ni Mirah. Halos hindi na siya huminga sa ginagawa.
Nang marinig niya ang yapak na paparating ay bigla siyang napadilat ng mata. Kaya tumambad sa kanya ang malulusog at maputing dubdib ni Mirah. Sunod-sunod siyang napalunok sa nakita. Kaya agad niyang nalakumus ang kamay na hindi alam ang gagawin.
"Hey! Wag kang tumuloy dito kung ayaw mong tamaan sa akin. Binibihisan ko si Mirah. So, get out." Anitong kinakamot ng taong inutusan niyang ihanda ang sasakyan. Hindi alam ng lalaki kung matatawa ba siya na hindi kay Ace. Kaya agad itong tumalikod at bumalik sa baba. Muli namang binalikan ni Ace si Mirah.
"God. Umayos ka Ace. Umayos ka. Hindi ka gago." Saad nito sa sarili. Halos manginig ang mga kamay niya habang dinadamitan niya si Mirah. Panay rin ang paglunok niya. Ng maisuot niya ang maluwang na t-shirt kay Mirah ay saka siya nakahinga ng maluwag.
"Hindi mo pa siya tapos bihisan gago." Sita nanan ng kabila niyang isip. Kaya agad niyang natampal ang noo ng makita niya ang suot ni Mirah na manipis na pants. "You can do it Ace. You can do it." Pampalakas nito ng loob.
Maingat niyang hinawakan ang garter ng panty ni Mirah at pants bago niya ipinikit ang mga mata kasabay nito ang pahila niya sa suot ng dalaga. Matagumpay nga niyang nahubad ang panty at suot ni Mirah na pants ay problema naman niya kung paano niya ito susuotan ng panty at pants.
BINABASA MO ANG
Babysitting The Brat(Completed)
Action"Don't ever think of leaving me. Because you are my today, my tomorrow and my future."-Ace Nathaniel Laurel(GSB-12) @Wild_Amber