Nakakairita talaga yung mgakakabarkadang yon! Pagkatapos mangyari 'yon susundan ko pa sana sila para lagyan ng black-eye isa-isa kaso pag labas ko wala na kong maaninag ni anino nila kaya imbis na magmaktol dun, bumili na lang ulit ako ng another box ng donuts. Inuwi ko parehas at shi-nare ko sa driver namin habang nasa byahe pauwi. Tsk. May araw rin kayo sakin! Iñigo The Third, nakuu oras na makita kita lagot ka talaga sakin. Hina-high blood ako sa mga to eh.
"Oh, Baby Girl san ka galing? Wow donuts. Lee, Pi, may donuts dito." Sabi ni kuya Russ habang papunta sa harapan ko. Sa sobrang pagmamadali pa nga niya, muntikan na syang matapilok. Hahaha!
"Oy oy. Akin lang to. Bumili kayo kung gusto nyo! Mahal to!" Sabay tago sa likod nung dalawang box. Hah! Ang mahal ng isang box neto nu!
"Ha? Baby Girl naman. Parang di ka naman namin kapatid nan!" Sabi nya habang naka-nguso. Yuck. Nagdatingan naman yung dalawa pang itlog.
"Baby Girl, penge." Habang naka-nguso na sabi ni Kuya Pi. Tanging si kuya Lee lang yung seryosong nilagpasan ako. Woah. Nakapagtataka!
"Aba. Kakasabi nyo lang na meron kayong 38— AHHH" Si Kuya Lee kaya pala ko nilagpasan kinuha yung dalawang box sa likod ko! Sama!!!!!!!!
"Uyy si Baby Girl, tumili. Babaeng babae na!" Sabi ni Kuya Russ habang nagtatawanan silang tatlo at binuksan yung isang box. Hmmp
"Akin na nga 'yan!" Kuha ko sa box na sarado buti na lang nakuha nila yung box na bawas na hehe. Sabay akyat sa stairs sa third floor.
Whew kapagod! Trip ko kasing hidden or should I say, hiding place ang attic. Hindi ko nga to pinapalinis sa mga katulong eh. Para bang comfort zone. Ako lang nakakapasok dito kasi I have my own keys. Mas madalas pa nga ako dito sa attic kesa sa sarili kong kwarto eh. Nandito sa walls ang posters ng favorite bands ko. May sariling mini fridge, may flatscreen, may comfort room, may xbox. Haha. Kulang na nga lang dalhin ko dito yung mga cabinets ko eh. Pina-lagyan ko talaga kay Daddy. Pwede na ngang tumira dito eh. Eh yung kwarto kong tunay, kulay pink at sobrang girly. Ayoko nang ganon, please? Ew lang.
"Don't worry Baby Girl, your picture is safe with us." Narinig kong sigaw ni Kuya Lee at kumindat pa. Kinilabutan tuloy ako. Kakila-kilabot kasi. Anung picture? Baka secret? Kasi diba ganun yun? 'Your secret is safe with us.' Hindi picture.Hayy dibale na.
*
Pumasok na lang ako sa kwarto ko, nagbihis ng t-shirt at jogging pants, nag-open ng laptop at kumain ng donuts. Pumunta sa fridge at kinuha ang isang pitsel ng tubig. Binuksan ko na lang ang Facebook account ko, na wala halos friends kundi mga kakilala at pamilya ko lang. Hindi kasi ako mahilig mag-add or mag-accept ng friends, Twitter account yung pinaka active at yung Tumblr ko. Mahilig kasi akong mag-blog nang kung ano-anong mga bagay na related sa bands. Ginagamit ko lang kasi ang Facebook sa communication sa classmates at friends. Wala ako masyadong kaibigan. Oo, wala masyado. Yung tipong best. Kasi hanggang friends lang sila eh. Siguro, hindi lang talaga ko friendly at sabi nila intimidating daw ang dating ko sa ibang tao kaya hindi madaling lapitan. Talaga? Eh ako lang naman si Lacey Nichole Lopez, isang hamak na estudyanteng nag-aaral ng mabuti. Simple lang akong tao. Err. So much for that.
Pero pag naaalala ko yung mga ginawang paghalik— err paglapastangan ng Iñigo na 'yon sa labi ko, parang nawawala ako sa wisyo, naiinis ako. Pero hindi ko naman ala kung pano gumanti. Tsk. Kainis. Yun pang bad boy na yun. Ilang beses na nya kong nahalikan at lahat nang 'yon, siya nag-initiate, hindi ako!!! Buti na lang tuwing nangyayari 'yon, nasa hindi kami mataong lugar! Siya ang first kiss ko ha! Mula pa nung 15 years old ako. Eh ngayon 18 na ko. Tuwing makakakita siya ng pagkakataon, hahalikan nya ko tas tatakbo. Imagine kung gano kainis kapag ganon? Lalo na at isa kong uhmm well, isang pekeng Adan, nakakalalaki na siya ha! Hindi ko siya magantihan dahil pagkatapos nun natutulala na lang ako sa kawalan at feeling ko wala dito ang katawang lupa ko— err 'katawang lupa' yuck.
Alam ko naman kung bakit niya ginagawa yun eh. I chose to ignore na lang. I won't fall on his tricks again. Hindi ako papayag na magka-sama sama kaming lahat. Ulet. Ayoko ko na huhu. For the sake of my broken heart. Chos.
Ah basta. Sinusumpa ko, sa hawak kong BLACK JACK na donut galing J.Co! HINDING HINDI ka na makakaulit sakin IÑIGO SANTIAGO PEREZ DELOS SANTOS THE THIRD! Nom nom. Hmm sarap.
BINABASA MO ANG
One Of Those Crazy Girls
Teen FictionPag may mahal kang isang tao pero alam mong hindi magiging kayo iiwas ka ba habang mababaw pa yung nararamdaman mo o lalaban ka hanggang sa abot ng makakaya mo?