One Of Those Crazy Girls 5

243 7 0
                                    

 

"Anong ginawa mo sa kapatid ko?" Boses ni Kuya Russ yun ah?

 

"Ah, hindi nagkakamali ka nang—" 

 

"Hayup ka Iñigo! Anong ginawa mo sa kanya?" Sabi ni Kuya Peter. Si Kuya Lee lang yung kalmado dito.

 

“Anong kabalbalan ang ginawa mo sa kanya ha Iñigo?” Sabi ni Kuya Lee habang susugod na sana. Joke lang yung sinabi kong kalmado.

 

Naramdaman ko na lang na may kumuha sakin. Ugh sakit ng ulo ko naaalog. Sobra. Dumagdag pa yung sakit ng tiyan ko, parang umikot. Nasusuka ako!

 

"Hindi, kasi ganito 'yon. Bigla na lang kas—"

 

"Baby Girl! Baby Girl!!!" Kuya Peter? Ang OA!!!!!!!!

 

Ugh sakit ng tiyan ko. Nasusuka na talaga ako. Pag-bukas ko ng mga mata ko, nakita ko na buhat ako si Kuya Russ at Peter napalibutan nila ko. Worried na worried yung expression nila sakin. Naluha na nga si Kuya Peter. Hala?

 

Bumaba ako mula sa pagkakabuhat ni Kuya Russ at yumuko, at sumuka. Eww. Kadiri ano ba to. Naramdaman ko namang hinagod ni Kuya Peter yung likod ko. Naalala ko ang aga ko nga palang nagising at hindi ako nag-breakfast. Dapat ko raw kasing agahan sabi ni Mama. Napatingin naman ako sa orasan ko at nakita kong 11 pa lang.

 

"Baby!!!!!!!! Ba't ka nasuka? Anong nangyari sayo? May masakit ba sayo? Ano sabihin mo! Magsalita ka!!! Magsalita ka please! Dalhin na natin siya sa ospital!!!!" Sabi ni Kuya Peter habang nakatingin ako sa kanya. Ano ba 'to. Dinaig pa ko kung mag-panic. Ambading. Acck. Pano ba naman ako makakasingit eh ayaw nyang tumigil sa pagsasalita?

 

"HOY IÑIGO! Anong ginawa mo sa kapatid namin? Bakit siya sumusuka ha?" Sabi ni Kuya Russ.

 

"Wala naman akong ginawa sa kanya! Nahilo lang talaga siya tapos—"

 

"Bakit nga siya nasusuka ha? Haaaaa???" Kuya Peter. Pinunasan ko na yung sinuka ko. Yuck.

 

"E-ewan ko. Baka nasuka sa mukha mo Peter." Sabi ni Iñigo na nakatingin sakin. Hahahaha! 

 

"Anong sinabi mo??" Kuya Peter.

 

"Ah wala. Wala. OA nyo! Parang magnanakaw lang ako kung kausapin nyo ah." Sabi ni Iñigo na naka-poker face. Magnanakaw ka naman talaga. Magnanakaw ng halik.

 

"Aba't talagang...—" Sabi ni Kuya Russ na susugod na sana.

 

"KYAAAHHH!" Kuya Peter. Ano ba to ba't siya natili? At hinihingal pa!

 

"Bakit?" Tanong naming lahat.

One Of Those Crazy GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon