"Tara na."
"Beh, san ba tayo kakain? Gutom na gutom na ko."
"Kenny na lang tayo."
"Ui sige. Healthy living!"
"Haha, Leggo!"
So far, okay naman. It's my 4th day. Thursday ngayon, so bukas rest tapos sa Monday na ulet yung classes. Tapos, tapos na ang first week. Two weeks to go! Nakakawalang gana lang habang tumatagal. Ewan ko kung bakit. Pero feeling ko may kulang eh. Si James lagi kaming nagkikita pero iniiwasan ko na rin siya. Ang awkward kasi eh. Nalaman kong sa Dance pala siya nag-enroll. Pero hindi ko pa siya nakikitang sumayaw. Galing siguro niya. Ayoko muna ng presence ng kahit sinong lalaking kilala ko. Pampagulo lang sa buhay ko at sa isipan ko.
Ang iingay nila. Tinutukoy ko yung tatlong babae sa tabi ko. Ewan ko nga sa kanila. Para silang sinapian. Ang iingay akala mo andaming tao nakapalibot sayo eh tatlo lang naman. Akala ko nga classmates ko sila nung highschool o elementary eh. Kilala kasi nila ko. Hindi kasi ako yung tipo nang tao na magaling ang memory. Makakalimutin kasi talaga ko. Oh, well. Weird kids.
Nakita ko sila sa music room. Napadaan lang naman ako. Ine-explore ko lang tong building na to. Pano ba namang di mo mapapansin eh ang lalakas kung maka-tugtog ng instruments. Tapos medyo nagc-create na rin sila ng mob na rin sa labas. Napalingon lang naman ako. Tutal, salamin yung walls. Lahat ng rooms dito glass yung walls at soundproof. Tinatakpan na lang ng venetian blinds for privacy. Nakita ko silang tatlo. Apat nga sila kanina eh. Bali, drums, keyboard, guitar at bass yung hawak nila. Ewan ko nga lang kung bakit tatlo lang sila ngayon. Magkakasama kami ngayon kanina kasi...
"Ikaw ba si Nichole?"
Napakunot naman ako nung marinig kong may nagsalita. Nag-cr lang ako kasi sakit nang puson ko. Magkakaron na ata ako. Yung thought na 'magkakaroon na ata ako' ewws me. Kaderndern. Kakasara ko lang pinto ng cubible eh.
Ako nga si Nichole bakit?
"Bakit?" Tiningnan naman niya ko mula ulo hanggang paa at bumalik pa. Abah! Wow ha!
"Hmmm.. Pwede na." Sabi nung nagtanong kung sino ako. Maganda siya.
"Girls." Sabi pa niya. May tinawag ata siya.
Sabay sulpot nung dalawa sa pinto. Nakita ko sila naka-pose nang.. nakita niyo ba yung movie na Mean Girls ni Lindsay Lohan? Yung cover non. Ganun sila. DON'T GET ME WRONG HA. Ate ko nanonood non. Well, napanood ko na rin eh pinilit lang naman ako ni ate eh. Yun nga lang tatlo lang sila. At hindi sluttish ang suot nila. Astig nga eh. Medyo disente naman silang tingnan. At hindi rin sila mataray tingnan.
"We heard you're on the Vocals." Tinaasan ko nalang sila ng kilay. Talent ko yun eh.
BINABASA MO ANG
One Of Those Crazy Girls
Teen FictionPag may mahal kang isang tao pero alam mong hindi magiging kayo iiwas ka ba habang mababaw pa yung nararamdaman mo o lalaban ka hanggang sa abot ng makakaya mo?