One Of Those Crazy Girls 7

194 6 0
                                    

 

Narinig ko na lang silang nagpalakpakan sa harap ko. Right now I am facing twenty four students of this workshop under Vocals. Limited lang yata yung slots kaya hanggang 25 students lang. Oh well. 14 yung pinakabata at 25 naman yung pinakamatanda. Plus, our mentor, si Ate Dorcas. Ate daw ang itawag namin sa kanya. Ayaw nya ng Ms. kasi masyado raw pormal. Oh well. Mukha na kong Oh well.

 

Kanina nga tumakbo na lang ako papasok. Iniwanan ko na yung lalaking naka-bunggo sakin sa labas. Late na ko sa orientation eh. At ngayon naman, pinakanta na kami nang isa-isa. And I chose one of my favorite songs, of course.

 

"Galing nya. Nakakainggit."

 

"Siya na talaga."

 

"Tsk. Mainstream ang boses."

 

"Wow. Nice. Maganda pa."

 

Ugh, parang nabingi yata ako dun sa huling nagsalita.

 

Sa dami nang nagsasalita, wala na kong maintindihan. Buti na lang kahit soft spoken si Ate Dorcas, sinusunod siya nang lahat at napapatahimik nya kami. Sila pala.

 

"Okay, class. Tama na."

 

At saka tumahimik ang lahat.

 

"Ms. Lopez" Sabay ngiti niya. Creepy.

 

"Ang ganda ng boses mo. You are hmmm.. Mezzo-soprano, I think. Your voice is so strong. It's bright. So punkish. You can control it especially everytime na nagsswitch ka from head voice to chest voice. You can't do it without undergoing any vocal exercises so tell me, do you sing outside?"

 

"A-ah, hindi po." I frowned.

 

"Do you join contests?"

 

"Hindi rin po."

 

"How about voice lessons, other than this?"

 

"This is my first time po."

 

At dahil sa sinabi ko, napangiti siya. Nang malapad. Nakakahiya naman...

 

"Okay guys. Next meeting natin, we'll know more about your vocal ranges and voice types. And guys,  be ready for lots of vocal exercises na ipapatry ko sa inyo ha. See you next meeting."

 

--

 

Ambilis natapos. Hanggang alas tres lang. Buti na lang pagsilip ko sa labas ng gate nandiyan na yung kotse. Yun maagang makakauwi. Papadaan muna ko sa Starbucks. Gusto ko nang Java Chip. Yumm. Ipi-nlug ko na yung earphones ko at nakinig sa playlist no. 2 ko.

 

Pero hindi pa ko nakakaisang hakbang nang may humawak na sa kanang braso ko. What the actual hell?

One Of Those Crazy GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon