Turning point

12 0 0
                                    

. . . .

A man of his word, my dad always reminds me to be. I'm quite that person he wants to see in me. I must keep my word and help make things right. Kung nangyari man 'to para maisip ko na I should really stand up for myself, hindi ko pa alam.

"Jeric talked to me." Yun lang naisip ko na panimula.

"Kung tungkol man yun sa relationship namin, ayoko na muna pag usapan."

"He asked for my help, you know me, I gave him my word."

"Bakit?" There's something in her eyes that doesn't look appealing.

"I know he's a good person. Give him chance to prove it. Hindi ka naman siguro tatagal sa kanya ng 7 years kung wala kang nakikita na magandang trait." I smiled at her just to make the impression that my word can be trusted.

She stopped for awhile.

"Hindi ko na alam. Parang kulang na lahat ng ginagawa ko."

"Give him time to realize what he got. Just show more of yourself to him, you must never get tired, Tanya. That in any possible way, you can still keep up with him. He'll realize it soon enough."

"Ayoko na sana. . . "

"Nooo. . . Come on, cheer up." I smiled at her. "Hmm? Gusto mo lang ng chocolates eh."

"Hindi no." Medyo pinipigilan lang ngumiti.

"Talunin mo na lang ako sa Mario Kart oh!"

"Aba! Kala mo uurungan kitaaaa?"

Meanwhile, sa garage.

"I think your cousin is up to something." si Gab, habang naglilinis ng nails.

"Napapansin mo pa pala yung ganon." pinatong naman ni Andrew paa nya sa chair ni Gab.

"Syempre naman no. Ano naman kala mo sakin? Ha?" hinatak ni Gab yung balahibo sa binti ni Andrew.

"Aww!" Inalis ni Andrew paa nya sa pagkapatong at hinimas ng hinimas ang binti. "Sakit non ha! Si Jeric yung pinuntahan nya nung isang araw. Nagpapatulong daw."

"Really? Mukang seryoso na ata talaga si Tanya na makipaghiwalay ah?"

"Kung ganon naman kasi ugali ng karelasyon ko, di talaga ako tatagal no."

Sinipa ni Gab paa ni Andrew.

"Aray! Kanina ka pa ha!" Muntik na di makapagpigil si Andrew

"Shh! Look who's here." Mahinang pagkasabi nya kay Andrew.

Nakita nilang bumaba ng kotse si Jeric.

"Is this. . . real?"

Lumapit si Jeric. "Hi guys! Hey, Andrew bro. Nasan pinsan mo?" Nagkatinginan lang sina Gab at Andrew.

"Aahm, nasa loob. Naglalaro ata. Pasok ka na lang." Sagot ni Andrew na halatang di pa din makapaniwala na andon si Jeric.

Pagpasok ni Jeric.

"Si Jeric talaga yun no?" Parang gusto pa ma'sure ni Andrew

Sa loob.

"Ang daya! Ako naman dapat panalo!" Tapik ng tapik sa hita ko.

"Hahahaha! Galingan mo kasi."

Pumwesto sya sa harap ko para di ko makita ang screen.

"Hala, di ko na makita tuloy." Pero ang totoo, nakakasilip naman ako.

A Letter to HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon