Learn to Give Way

24 3 0
                                    

"Kung ako na lang sana ang iyong minahal, di ka na muling mag-iisa. Kung ako na lang sana..." Kumanta sya, swear, kanta yun. "Pero bro, ilang beses ko ba sasabihin sayo na pagsabihan mo yang best friend mo? Ewan ko sa inyong dalawa. Bakit ba nagtitiis kayo na ganyan lang? Hay!" Aduridong pagkasabi ni Andrew na parang sobrang affected sya.

Si Andrew, kahit ganito 'to, he's waiting for the right girl na kayang sakyan ang ugali nya. Naniniwala sya na dadating yung time na yun. Kahit daw ganito sya, ineenjoy na lang nya yung time ng paghihintay nya. Bakit daw sya matatakot na magtry ng magtry kung wala naman mawawala sa kanya? He takes it as preparation para daw sa right girl for him. Bakit alam ko? Kasi he's the best dramatic actor pag sobrang lasing na nya. That's why.

"You know that song?"

"Hindi ah!" Biglang bawi. Natahimik sya at parang nagiisip ng malalim. "Bro. Pano mo nakakaya?"

"Ang alin?" Patay malisya na lang sa tanong nya.

"Bro naman, maglolokohan pa ba tayo? Alam ko naman lahat."

"Then why are you still asking?" Minsan talaga, nakakalusot ako sa kanya. At nag'ring ang phone nya.

"You won this time. Pero di ka na makakalusot sakin sa susunod." Sinagot ang phone at lumayo.

Pano ko nga ba kinakaya? Hindi ko din alam eh. Siguro kasi nagdaan na ko sa time na 'sana ako na lang'. At tapos na ko don. Learning to give way is not easy. But I chose to save something that will last more than being in a romantic relationship-- that'll be our friendship. I was told that romance wont last in a marriage, it goes along with the physical aspects, their sexual relationship. You know what I mean. When romance subsides, friendship remains. So choose to marry someone you had a good friendship with. When the beauty fades, what's left is the bond between the two of you.

Nung high school kami...

"Once in a lifetime lang naman dadating yung ganyang klase ng guy na tulad ni Jeric. So Tanya should grab the chance." Banat ni Gab habang inaayos ang manicure nya. Which at that time, was not allowed.

"Ikaw naman nakakarealize ng ganyan, bakit hindi ikaw ang mag'grab, GAB?" Andrew emphasized on Gab. Di ba obvious? (Hahaha!)

"Tigilan mo nga ako Andrew." Inirapan ng mula ulo hanggang paa si Andrew.

"He's nice, pero minsan, nakikita kong mainitin ang ulo nya." Sabi ni Krizzy.

"Normal naman sa lalaki ang mainit ang ulo no. Tignan mo tong si Andrew, kayang kaya pumatol sa babae." Dagdag ni Gab.

"Kesa naman lalaki patulan ko? Hahahahaha! Gets mo? Gets mo? Tanya, Tanya. Hmm... May tatalo pa ba sa pagiging patient ng pinsan ko?"

"Bakit ba kasa ka ng kasa jan about sa pinsan mo eh mag bestfriends nga lang yung dalawa?" Tinarayan na lalo ni Gab si Andrew.

"Bakit ba talak ka ng talak jan eh nilalakad ko nga ang pinsan ko na torpe sa bestfriend nya?" Tanggol naman ni Andrew.

"Tumigil na kaya kayo. Kung may feelings nga tong pinsan mo kay Tanya, edi ok. Kilala naman natin sya eh. There'll be no problem with that. Pero sa nakikita ko, mukang wala talaga. Nabibigyan lang siguro natin ng malisya yung friendship nilang dalawa." At yun ang conclusion ni Krizzy.

"Ayan na yung lovebirds oh. Tignan nyo nga, bagay naman yung dalawa ah? Ano sa palagay nyo?" Medyo nadidinig ko na yung sinasabi ni Andrew habang palapit kami sa bench na inuupuan nila.

"Guys, mag lunch na tayo?" Tanya asked.

"Kayo na ba?" Balik na tanong ni Gab.

"Ha?" halos sabay pa kami ni Tanya na sumagot.

A Letter to HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon