"Kapag ako nadapa sa sapatos na ito malilintikan ka talaga sa akin," talak ni Udy sa pinsan niyang si Joemar. Five inches wedge talaga ang pinilit na isalpak nito sa mga paa niya.
Ayon dito, kailangan niya daw matutong magsuot ng mga ganung katataas na sapatos dahil prerequisite daw 'yun sa pagiging kafederasyown. Hanggang three inches lang ang kaya ng powers niya.
"Hindi ka madadapa jan, masusubsob ka lang kapag hindi mo sinunod ang payo ko. Ang arte-arte mo, gusto mo kamong lumandi? Magtiis ka, impakta," nakapameywang na ito sa harap niya na talo pa ang isang ginang. Nakasuot ito ng itim na leggings na tight na sa hindi niya malamang paraan ay ni hindi bumubukol ang pututoy nito.
How did he do that?
It comes with perfect practice, naalala niyang payo nito sa kanya minsang tinanong niya ito. Ayon dito practice doesn't make perfect but perfect practice does. Yun na! Dahil sa hindi malamang kadahilanan eh, hinding hindi niya nagagawa ang "perfect" ipit na ginagawa nito. Pek-pek shorts nga lang eh pakiramdam niya halata na ang kanyang alaga, leggings pa kaya?
"Ayy," tili nito.
Basi sa tunog ng tricycle, alam na niya kung bakit ito napatili.
"Hi Crush," sigaw nito sa tricycle na dumaan.
"Susko Joemar, tantanan mo na yan please? Hindi ka naman pinapansin niyan," sabi ni Udy kay Joemar habang hinuhubad ang sapatos sa paa. Hindi niya talaga keri pakiramdam niya eh, nag-kakadang siya.
"Sorry teh, nginitian niya kaya ako," wiggling his fingers on his face. "Gosh, ang gwapo niya," kinikilig pa nitong dagdag.
Tiningnan niya ito. Surely, Joemar is in love. Walang duda. Mula nang masilayaan nito ang tricycle driver na 'yun wala na itong bukambibig kundi iyun. Kahit sa nasa kusina ito kapag dumaan ang tricycle ng crush nito agaran itong tumatakbo sa kanilang tindahan para mag "Hi" sa driver. Ewan kung paano nito nalalaman na ang crush nga nito ang dadaan. Minsan naman kahit hindi nito nakikita, basi sa tunog ay alam nito na ang crush nito ang dumaan. Palabas ng village o papasok man. Amazing 'di ba?
Yan si Joemar, ang pinsan niya na katulad niya ay bading din. Bestfriend niya ito slash pinsan. Two months ago, lumipat na ito sa bahay ng tita nila kung saan din siya nakatira. Nasa abroad ang kanilang tita na may-ari ng bahay kaya kasama nila dun ang anak nito at asawa ng pinsan nila. Bilang kapallit sa libreng pagpapatira, tumutulong sila sa pananahi.
In short, sila ay mga mananahing beki.
"Naku maglaway ka nalang hindi ka papatulan nun," sabat ni Rhea, ang asawa ng pinsan nilang si Jonathan.
"Hindi kaya, magugustuhan ako nun kasi maganda ako," sagot ni Joemar. Kinuha na nito ang hinubad niyang sapatos at ibinalik sa kabinet sa tabi ng makinang kinauupuan nito.
"Yeah right," segunda niya.
Joemar is dark skin, kulot ang mahaba nitong buhok na pinarebond daw nito apat na buwan ang nakakararaan kaya kalahati ng buhok nito straight, ang kalahati kulot. Pero it didn't hinder him to make lugay.
The nerve 'di ba? But one thing is for sure Joemar has the perfect shape of legs, perfect behind and very disturbing personality. Ito ang uri ng tao na makakasundo lahat.
He sighed. Hinarap na niya ang kanyang makina at nagsimula na ring manahi.
Habang nananahi, iniisip niya kung paano matutulungan ang kanyang pinsan. Joemar is so precious for him, alam niya kung gaano nito inaasam magkaroon ng boyfriend. Yung tipong panakaw silang magkikita sa gabi. Yung tipong mag-uusap hanngang alas dose ng hatinggabi. A regular romance a guy and a pa-girl must have.
He really wondered how.