Chapter Three

16 0 0
                                    

NAKAPANGALUMBABA si Udy habang pinapanood ang mga dumadaan sa tapat ng kanilang bahay. Tindahan to be exact.

Mga tricycle, mga bata, mga teenager na galing lang sa paglalaro ng basketball - pawisan at ang iba ay hinubad na ang kanilang jersey.

It's almost 5 o'clock in the afrernoon. For him, it's the loneliest time of the day. Kahit noon. Ewan niya but everytime na pumapatak ang ganoong oras sa araw ay nalulungkot siya. May kung anong lungkot siyang nararamdaman.

Erased the thought.

He smiled. Sakto namang dumaan ang tricycle ng crush ni Joemar at napatingin sa kanya. As usual ang kilay na naman nito ang una niyang napansin. This time, he's smilling at him.

May crush nga ito sa akin. Gunggong na ito.

"Masama 'yan."

Nagulat siya sa sinabi nito. Kinakausap siya nito. What to do?

Hindi niya inaasahan ito.

"Masama 'yan, nasa harap kapa naman ng tindahan," marahil ay napansin nitong hindi niya alam ang sasabihin.

Kaagad naman niyang inalis ang kanyang kamay sa baba. At bago pa man siya maka react ay nakalagpas na ito sa kanila.

Yun naman ang pagsulpot ni Joemar sa likuran niya as if on queue.

"Asan na siya teh?" tanong nito.

"Sino?" balik niyang tanong.

"Si crush. Dumaan siya 'di ba? Narinig ko ang tricycle niya."

"Wala na. Lumagpas na," nilingon niya ang tricycle ng crush nito pero pwet nalang ng tricy ang nakita niya.

"Si teh naman, hindi ako tinawag," kunwari ay tampo nito sa kanya.

"Next time. Dapat kasi inaabangan mo siya parati. Para lagi ka niyang nakikita, in that way matatandaan ka niya. Tsaka nakuha ko ang pangalan nun."

"Talaga," bulalas nito. Anyong hindi makapaniwala.

"Oo, laway mo, tumatalsik beks. Kadiri," sabay pahid sa damit nito ng braso niya kung saan tumalsik ang laway nito.

Joemar seemed not to mind. Nasa mukha nito ang nag-aantay ng sagot.

"Hmm, 'nga 'let yun?" kunwari ay pasabik niya dito. Inilagay niya pa ang hintuturo sa sintido.

Naningkit ang mata nito. Kunwari ay galit.

"Ito naman, hindi mabiro," sabay apir dito. At nagtawanan sila.

Bigla itong tumigil sa pagtawa. "Ano nga?" mataray na tanong nito. "Pinapasabik mo ako eh."

"Tiburcio ata yun," he joked.

"Seryoso?" tanong nito. Joemar looked worried.

"Joke lang, Leo. Leo..," hindi niya maalala ang apelyido nito.

"Leo," nakatingin sa kawalang sambit nito sa pangalan ng crush.

Pumitik siya sa harap nito. "Napaka aga po hija para mag day dream ka riyan."

"Leo love Joemar," sabi nito. "Bagay 'di ba?"

"Loves," pagtatama niya dito.

"Pareho narin yun," engos nito sa kanya.

"Ano ba kasi ang nagustuhan mo dun? Ang lakas kaya ng accent nun. Narinig mo ba kanina, sabi niya katursi. Kadiri ka talaga Joemar. Ang dami naman diyan, sa tricycle driver pa?"

"Wala ka pakealam," ginaya nito si Tekla. "Mahal ko siya. Pakiramdam ko siya na talaga."

Huh?

"Aray," tinuktukan niya ito sa ulo.

"Mag-isip ka nga, ano ipapakain sayo nun aber?" tanong niya dito. He really can't believe his cousin is in love with that driver. He's not saying it's a bad thing to be in love with a tricycle driver pero wala na ba talagang choice?

Sa dictionary niya, kasunod ng construction worker sa level ang tricycle driver.

"Magiging mag-asawa kami pagdating ng araw. Magsasama kami ng maluwat sa hirap at ginhawa kasama ng aming labindalawang supling!"

"Wee?" napaatras ang kanyang leeg.

Napaisip tuloy siya kung itutuloy niya pa ang kanyang balak. He would make the driver fall in love with his cousin by simple being their mediator. Pero sa nakikita niya mukhang gusto niya atang umatras.

Once Upon A TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon