Chapter Four

16 0 0
                                        

BITBIT ang isanglaksang lakas ng loob at isang supot ng softdrinks, lumakad na si Udy palapit sa tricycle ni Leo.

It's now or not now.

Kasalukuyan itong nakaparada sa tapat ng basketball court. Nanonod ng mga naglalaro doon. Summer kaya maraming nagpapractice para sa darating na liga sa kanilang village.

Sakto namang nakikipagtsismisan siya sa tindahan malapit sa court. Mahalaga ang tsismis, para sa kanya ang tsismis ay version ng TV Patrol at 24 Oras sa bawat barangay.

"Pwedeng makiupo?" tanong niya kay Leo pagkalapit niya sa tricycle nito.

Tiningnan lamang siya nito.

Nga-nga!

Hindi na niya hinintay na sumagot ito. Tumabi na siya dito.

Nanginginig ang mga kamay na sumipsip siya ng softdrink.

Anyayare? Kinakabahan ba siya?

That couldn't be. Borrow one!

"So," ang kanyang simula.

Pero bigla itong tumayo, parang asiwa.

Naasiwa ito sa presensiya niya? Aba, aba, aba, maganda atang indikasyon yon. Meaning apektado ito sa presensiya siya. Pareho lang sila. Kinakabahan din ba ito?

Lunok laway.

Bigla din itong umupo. Tumingin sa paligid tapos tumayo na naman. First time ba nitong makatabi ng isang bading?

Oh oh! Red alert!

Hindi na talaga siya nakatiis. "Bakit ba hindi ka mapakali?" tanong niya dito.

"Nandiyan ka kasi," mabilis na sagot nito.

Nga-nga nga!

"Okay," bumaba na rin siya sa tricycle. "Eh di aalis."

And he walked away.

Plan fail.

And he realized wala na palang laman ang sofrdrinks pero panay parin ang sipsip niya sa straw.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

"Antaray!" habang may laman ang bibig ng kinakaing pizza ay sabi ni Jing-jing kay Joemar. Kapitbahay nila ito. Payatot, maputi at maliit na babae ito.

Kaslukuyan nilang nilalantakan ang pizza na dala ni Joemar. Kagagaling lang nito sa SM. Nagliwaliw si bakla. Namili ito ng mga shorts. Kailangan daw nitong magpakita ng laman para bumenta ito kay Leo.

"Sinasabi ko sa'yo teh, tigilan mo nayan si Leo," sabi niya kay Joemar. Nakataas ang dalawa niyang paa sa mesa.

After the incident, nunca na ilakad niya si Leo sa pinsan niya.

"Hindi ako titigil, kailangan mapansin niya ako. Pakiramdam ko talaga magiging kami. Ewan ko parang destiny kami," nangangarap na sabi nito. Ubos na and slice na kinakain nito kaya kumuha ulit ito ng isa pa.

"Antaray," sabi uli ni Jing-jing. Expression na ata nito iyon.

"Papano naman magiging kayo aber?" hamon niya dito.

"Nakuha na natin ang pangalan niya, simula na 'yun," nagdikwatro ito ng upo at kumagat ng pizza.

"Paanong naging simula yun eh mukhang hindi pa kayo nag-uusap."

"Antaray, nag-usap na kayo?" hindi makapaniwalang tanong dito ni Jing-jing.

"Yes teh. Nung nakaraan sumakay kami sa kanya," proud na sagot naman ni Joemar dito.

"Oo, mukhang hindi naman sila nag-usap. Si bakla kasi naging rebulto," kontra niya.

"Antaray!" sabi ulit ni Jing-jing.

"Antaray mo din. Antaray mo din sa pizza," sabi naman ni Joemar dito. "Nakaapat lang ako, ikaw nakalima na!"

"He-he!" keme nitong tugon. "Pasensiya, wala kasing makain sa bahay."

Umingos lang si Joemar dito.

"Tingnan mo kaya siya sa facebook?" suhestiyon ni Jing-jing kay Joemar.

"Oo nga nu?" namimilog ang matang sagot niya dito. "Dahil diyan, bigyan 'to ng jacket," pangagaya niya kay Willie.

He got excited too.

Excited daw. He just erased the thought and get his laptop.

Ilang minuto lang nakatunghay na silang tatlo sa screen.

"Antagal naman," yamot na si Joemar.

"Saglit lang," singhal niya dito. "Alam mo namang nasa tindahan tayo mahina ang wi-fi."

"Ayan na," sabi naman ni Jing-jing nang makitang lumabas na ang mga taong may pangalang Leo Entacia.

"May facebook kaya yun? Mukhang wala namang alam sa computer yun eh," naibulalas niya.

"Ang mean mo teh," tila nasaktan namang sabi ni Joemar. "Ayan siya oh, pangpito mula sa taas."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Once Upon A TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon