Chapter Two

15 0 0
                                    

Today is the day. Tatlong araw pagkatapos niyang pag-isipan ng mabuti ang balak handa na si Udy sa kanyang plano.

He would set up a date for Joemar at sa crush nitong tricycle driver. Naisip niya palang ang salitang tricycle driver ay kinikilabutan na siya. Pero kailangan niyang gawin ito. Para sa kanyang pinsan.

"Teh, gora tayis sa labasan. Bili tayo kwek-kwek," yaya niya kay Joemar na kasalukuyang nakanganga sa harap ng TV. Nanonood ito ng pelikula sa Star Movies.

"Tara," sang ayon nito. "Pero saglit lang, mag-aayos muna ako. Mahirap na baka makita ko si crush."

"Speaking of that, I'm planning to get his name. Para hindi kana tawag ng tawag ng crush sa kanya. Malay mo, pati number niya makuha mo rin."

That's the first step.To get his number.

BUSINA ang naririnig ni Udy mula sa likuran nila ni Joemar pero hindi niya ito pinansin baka hindi naman sila ang binubusinahan. Sa dami ng naglalakad sa kalsada palabasan malamang nga hindi sila yun.

Pinag-igi niya pa ang pagkendeng dahil alam niya wala siyang laban sa killer butt ni Joemar. Naka spaghetti siya ng white at ito naman ay itim. Pareho din silang naka maong short shorts.

Mukhang hindi titigil ang bumubusina kaya lumingon na siya. Napalingon narin si Joemar.

Tricycle ang paparating at hindi nakaligtas sa kanya ang biglang paninigas ni Joemar. Nilingon niya ito.

Bigla itong namutla at lumaki ang pupil ng mata.

Could it be?

"Teh, si crush," matik na napahawak ito sa kanyang kamay.

Tumingin siya sa papalapit na tricycle. Unang beses niya palang na makikita ang crush ng pinsan niya.

Ang una niyang napansin sa lalaking driver ay ang kilay nito. Makapal iyon. Kung tatanungin siya ng mga pulis na ilarawan ito, una niyang sasabihing makapal ang kilay nito, susunod ay payat ito.

Nothing is remarkable about the guy.

Ito ba ang crush ni Joemar?Parang gusto niyang himatayin sa pagkadismaya.

Anyare?

Before he knew it. Nasa loob na sila ng tricycle at si Joemar ay sa likod ng driver nakasakay. Mukhang na-pipi na ang pinsan niya. Hindi na nakapagsalita.

Malapit na sila sa labasan!

Hindi niya pa nakukuha ang pangalan nito.

Nakita niya ang ID ng driver na usually matatagpuan sa loob ng tricycle. Kaagad niya itong iniharap sa kanya. Isang two by two picture ang nakalagay sa gitna at sa ibaba ay ang pangalan nito.

LEO C. ENTACIA

"Oops, dito na tayo," narinig niyang sabi ng driver. Another thing about the guy is that he seemed cheerful. Parang lagi itong nakatawa kahit sa boses lang. Idagdag pang ang ganda ng boses nito. Iyong mga tipong kapag pinakinggan mo, sasabihin mong gwapo.

Kaagad na siyang bumaba ng tricycle at humugot sa bulsa ng tig lilimang piso. "Magkano?"

"Katursi," sagot nito.

Tama ba ang narinig niya?

"Katursi," ulit nito. This time he looked at him. May naglalarong ngiti sa mata nito.

Mapungay ba talaga mata niya o pinapupungay niya lang?

Napakunot ang noo niya. Nagpapa-cute ba ito sa kanya? Napangiwi siya.

Binayaran niya na ito at hinila na si Joemar na mukhang tulala parin.

"Gosh," ang tanging nasambit nito habang  papalayo ang tricycle.

Nabaliw na.

Ano kaya ang magiging reaksiyon nito kapag sinabi niyang mukhang nagpapa cute sa kanya ang crush nito?

Sa isipin ay napangiwi na naman siya. Oh Lord! Please!

Once Upon A TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon