chapter 4: featuring

4.4K 48 2
                                    

Matapang feat. Juan at Pedro

Pedro: Ang tapang talaga ni Paeng! Biro mo, tumalon sa eroplano nang walang parachute!

Juan: Ohh, totoo? Saan mo naman nabalitaan yan?

Pedro: Dun sa burol nya!

****

Ulam feat. Juan at Pedro

Pedro: Alam mo, yung pusa namin, kahit nakalagay sa lamesa at walang takip  ang ulam namin, hindi kinakain!

Juan: Maniwala ako?! 

Pedro: Totoo!

Juan: Ano ba ang ulam nyo?

Pedro: Asin!

***

Iniwan feat. Juan at Pedro

Pedro: ang sakit sakit tol! bakit iniwan niya ako??

Juan: Bakit? saan ba dapat kayo pupunta?

Pedro: kroo krooo

***

Ang Uwak feat. Juan

Teacher: Juan i-english mo eto.

Juan: Wat mam?

Teacher: "Ang uwak ay hinang-hinang nglakad"

Juan: "The wak wak weak weak wok wok..."

****

Panglima feat. Erap at Jinggoy

Jinggoy: Dad, pang ilang Tirso Cruz na si Tirso Cruz III?

Erap : (natawa) Trick question ba yan anak? Eh, di pang-lima,

kaya nga PIP ang tawag sa kanya, di ba?

***

Spanish feat. Juan at Pedro

Juan: Tanungin mo ako ng English, sasagutin kita ng Spanish.

Pedro: What is more important? Heart or Mind?

Juan: Spanish!!!

***

Madamot feat. Juan at Pedro

Juan: Oys, ano yan? Pinya? Pahingi naman dyan.

Pedro: Pahingi? Nasaan ka noong nagbubungkal ako ng lupa sa ilalim ng init ng araw? Nasaan ka noong nagtatanim ako habang kumukulog, kumikidlat at bumubuhos ang malakas na ulan? Nasaan ka noong oras na nag-aani ako na nagkalat ang maraming ahas sa dadaanan ko, noong naghihirap ako sa pagpasan ng pinya? Nasaan ka?

Juan: Nakakulong kasi ako noon! Nakapatay ako ng madamot!

Pedro: Ganun ba? Kuha ka na, kahit ilan!

May langka pa doon!

Funny Jokes ..(ONGOING)Where stories live. Discover now