Chapter 1- Oh My Gulay!

352 12 3
                                    

Liah's POV

" Liah alis na ako baka pagalitan ako ng amo ko eh." paalam saken ni Tita Bernice, ang best friend ng mama ko siya na ang tumayong nanay at tatay ko simula ng na ulila ako.

"Sige po tita ingat po kayo."

"Sige mag iingat ka din ha? May pagkain dyan kumain ka na lang pag nagugutom kana ay! Eto palang gulay i-deliver mo dun kay aling Tesa hinihintay kana nun."

"Ah sige po tita saan nga po yun?"

"Dun sa Foxtail Street sa malaking bahay."

"Ah kuha ko na po sige po ba-bye. ^___^"

"Sige, ay nga pala mag papasukan na wala pa tayong nahahanap na school. Malayo kasi dito yung dati mong school eh."

"Oo nga po eh wag niyo na pong pag iisipin yun tita magka wrinkles pa kayo niyan."

"Ano ka ba parang anak na din kita. Binobola mo na naman ako ha, sige na alis na ako yung bilin ko wag mong kakalimutan."

"Opo" At tuluyan na ngang umalis  si tita para mag trabaho. Kawawa naman siya namomroblema kung saan ako papasok. Paano kasi pinalayas kami sa dati naming tinitirahan kaya kailangan lumipat. Haay nako ang drama ko kaka umpisa pa lang ng kwento drama agad ang mabuti pa maligo na ako para maideliver ko na yung order ni aling Tesa.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Grey's POV

Ting ... tong .... ting ..... tong .... ting .... tong .....

Urgh!!!!!!! That bell ang ingay na naman! For sure yung kasambahay namin yan. Tinggal ko ang pagkakatakip ng unan sa muka ko.

"Sir mabuti naman gising na po ka----"

"T*ngina! Di mo ba nakikita na natutulog yung tao ha! Bulag ka ba ha?! bulag? Istorbo ka. Di ka aalis dito o papaputukan ko yang muka mo?!" Hindi na nakapag salita yung kasamabahay namin. Sa halip umalis nalang. Bwisit kasi di niya ba nakita na natutulog yung tao tss --___-- bumalik ulit ako sa posisyon ko.

"Hindi mo ba alam ang word na "respect"?" bigla naman akong napabangon.

"Anong ginagawa mo dito crazy old lady??"

"Ginigising ka. Maligo kana at bumaba para mag almusal. May pupuntahan tayo."

"Ano na naman yan?!! Bakasyon ngayon kelangan ko mag relax."

"Okay mag relax ka dyan. Para mag relax din ang credit cards mo."

"What the f*ck tinatakot mo ba ako?"

"Hindi ah sinasabi ko lang sayo my dear son. Madali lang akong kausap bye."

"Fine! Babangon na bwisit!!!"

"Okaaaay." at tuluyan ng umalis si mama. Bwisit yan mawala na saken lahat wag lang pera pano na ang mga chicks ko? Kahit may fiancee na ako eh hindi pwedeng hindi mang chicks. Kasi ayaw ko naman talaga sa babaeng yun. Sila lang ang nag plano nun. Hays ganyan talaga ang business ibebenta ka kahit ayaw mo.

Pagkatapos kong maligo bumaba na ako papuntang kusina nakita ko naman si mama na naka upo habang kumakain.

"Good morning son."

"Sa'n tayo pupunta pagkatapos natin kumain?" Diretso kong tanong.

"Kanino pa edi sa most lovely lady in the world kay Areece" Lovely daw psh baka kamo ugly di ko yun nagagandahan tss -__-". Umupo na ako sa dining at kumain.


"Finish let's go." sabi ko kay mama

"Okay" sagot niya habang nag pupunas ng bibig.

The HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon