Liah's POV
Pasukan na excited na ako sa bago kong school. Mababait kaya ang mga tao dun? Tignan natin. Nag ayos na ako ng sarili ko para sa pag pasok. Pagkatapos ko pumunta na ako ng kusina.
"Good morning tita."
"Good morning din, kumain kana dyan."
"Opo." pagkatapos kong kumain pumunta ulit ako sa kwarto ko at kinuha ang aking mahiwagang magic ball. Then nag wish ako, sana mababait ang mga classmate ko ngayon. Magic ball mag dala ka ng swerte ah. Pagkatpos kong mag wish lumabas na ako.
"Tita alis na po ako"
"Sige mag iingat ka eto baon mo."
"Salamat po tita." lumabas na ako ng bahay at nag simulang mag lakad ng school, walking distance lang naman pala kasi *lakad* *lakad* *lakad*. Ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Haaay naku kang ulan ka ka di ka man lang nagpapasabi kung kelan ka darating, buti nalang may dala akong payong nagpatuloy pa rin ako sa pag lalakad ko hanggang makarating ako sa school.
University of Guttenberg
Wow!!! Ang ganda naman ng school na to puro de kotse ang mga estudyante. Gate palang yan ha, pano kaya kung pumasok ako sa loob. Pagkapasok ko mas lalo pa akong namangha sa nakita ko. Malalaking buildings at malawak na garden. Nag lakad lakad na ako.
"All students please proceed to the gymnasium now." narinig kong sabi sa speaker, familiar ang boses niya. Girlfriend ata yun ni Charles, papunta pa lang ako sa gym ng may kumalabit sa likod ko.
"Charles!" sabay yakap ko sakanya.
"Anong ginagawa mo dito?" inalis ko na ang pagkakayakap sakanya.
"Mag titinda siguro"
"Huh?"
"Syempre papasok ano bang ginagawa sa school."
"Sinong nagpapasok sayo dito?"
"Yung guard Charles."
"Umaandar na naman ang pagka pilosopa mo umayos ka" hala galit na si Manong Charles
"Fine! Yung amo ni tita kinuha akong scholar."
"Ah yung mama ni Grey."
"Grey who?"
"Ay di mo pa pala yun kilala."
"Malamang, sino bang transferee ang may kilala agad maliban nalang kung may kakilala na talaga siyang dati."
"Ewan ko sayo Liah. Mga kalokohan mo, tara na nga sa gym hinihintay na ako ni Krystal dun."
"Oo nga baka umusok pa tenga nun." for sure naka abang na yun.
"Hahaha ewan ko sayo." nag lakad na kami ni Charles papuntang gym at di nga ako nagkakamali naka abang na si Krystal sa may pintuan at naka cross arms pa.
BINABASA MO ANG
The Heirs
Teen FictionRated PG-13 ulit hahaha may mga bad words and mga scenes na not suitable again for children 13 yrs. old and below ang mga senaryo po ay may mga kahalintulad at mga katang isip ko lamang maraming salamt po
