Kabanata IV

371 16 3
                                    

Unedited

Kabanata IV

Black

Alas Siete ng Gabi. Madilim na ang paligid. At tiyak kong kumakaway na ang buwan mula dito.

Kung maingay ang labas, ay mas maingay dito sa loob. Madilim, ngunit, 'di gaano, dahil sa mga iba't-ibang kulay ng ilaw na animo'y sumasabay sa ritmo ng tugtog na nagmumula sa entablado.

Maingay. Madilim. Amoy usok. Amoy alak. Ibang-iba ang lugar na ito tuwing gabi. Nagiging isang Bar, t'wing masisilayan na ang kadiliman sa labas.

Sa bawat hapon at gabi ang nagdaan sa ilang buwan ng pananatili rito, ito na ang nakasanayan ko. Ito na ang trabaho ko. Mahirap sa umpisa dahil baguhan, pero 'di kalaunan ay nakasanayan ko na rin.

Sa taas ng malaking silid na ito ay ang Restawrant. Marami rin ang nagtutungo doon, pero agad ding bumababa rito upang... alam mo na.

"Leur, ayos na ba 'to?" Nakaharap si Sari sa malaking salamin habang pinagmamasdan ang sarili niyang repleksyon.

Hinagod ko s'ya ng tingin mula ulo hanggang paa. Pulang sando at nakikita ng bahagya ang pusod nito. Pinagsamang itim at pula ang kulay nitong maikling tsekerd na palda at tinernuhan ng itim na hanggang tuhod na bota na may taas ng limang pulgada. Sakto lang din ang kolorete nito sa mukha.

Tumango ako bilang pagsang-ayon. Tinawag naman ako ni Mari at tinanong din kung ayos ba ang suot niya. Wala silang pinagkaiba ng kambal niya. Pareha sila ng mukha at katawan ngunit nagkakaiba lang sa kulay at ayos ng buhok. Asul at itim naman ang kay Mari.

Inirapan ko siya pero tumango nalang din.

Ako naman ang tumayo at pinaggitnaan ng kambal. Hinagod ko ng tingin ang buong kabuuan ko, ganu'n din ang ginawa nila.

"Iyan ang suot mo?"

Itim na T-shirtness at jeansness, na tinernuhan ng puting Sneakerness. Ito lamang ang suot ko. Buti nga ay pumayag si Abcide - may-ari nito, na ito ang suotin ko. Wala rin naman siyang magagawa. At isa pa, dito ako komportable.

"Leur, pakidala naman ito d'un sa table na 'yun.. Sige, salamat ha."

Aba't! Bago ko pa siya mahabol ay naglakad na s'ya ng mabilis at nakipagsiksikan sa mga nagkukumpulang tao sa madilim na parte sa kanang bahagi.

Wala sa oras ko tuloy iniwan ang ginagawa ko para lang maibigay ang hawak ko.

Hinanap ng dalawang mata ko ang #14 sa madilim na silid na ito. Nang makita ko ang bakal na may nakaubrang numerong katorse ay nagtungo na ako dun.

Nakipagsiksikan ako sa bawat nadadaanan kong tao. Mabuti na lang ay sanay na ako sa gan'to, kaya't 'di na'ko gaanong nahirapan.

Bago pa ako makarating sa lamesang nasa tagong parte, ay may biglang humarang na lalaki sa akin. Pasuray-suray na siya at halatang lasing na. May hawak pa itong redhorseness sa kanang kamay at muling tumungga roon, bago ako binalingan.

"Beyb.. Beybi koooo! Lab na lab kita.." Mapupungay na ang mamula-mulang mga mata nito. Humalakhak siya bago muling tumungga sa boteng hawak niya.

'Di ko siya pinansin at lalagpasan na sana sa paglalakad pero napatigil ako ng may humawak sa kamay ko!

Ang isa kong kamay ay hawak ang trayness, at ang isa ay hawak niya. Dalawang lang 'yan. Kamay na malayang makakapagpatumba sa kan'ya, O, Kamay na ipanghahampas ang hawak kong tray sa mismong mukha niya.

Trouble Shot Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon