Unedited
Kabanata XI
Noise
Tanging ang yapak lamang ng aming mga paa at hampas ng hangin ang bumabalot sa'min na purong katahimikan. Sinusundan ko ang kanina pang tahimik na si Reka. Madami akong gustong itanong sa kan'ya dahil ngayon na lang ulit kami nagkita sa loob ng dalawang taon. Madami akong gustong itanong, ngunit 'di ko alam kung paano at saan sisimulan.
Natigil siya sa paglalakad, kaya huminto na rin ako. Isang napakataas na pader ang nasa harapan namin. Med'yo nasa madilim na parteng bahagi na kami. Hindi ko mas'yadong makita ang kabuuan ng pader ngunit naaaninag ko naman ito ng kaunti. Nagtatakang bumaling ako kay Reka na ngayon ay nakangising nakatingin na sa akin.
Tinuro ko ang mataas na pader at nagtatanong na tinignan siya. Agad naman itong pangising-ngising tumango. "Game?" Nag inat-inat pa siya ng kaniyang kamay at leeg na animo'y sasabak sa isang laban.
Tumingin muli ako sa mataas na pader. Mukhang lampas ang laki nito kay Big Show o mas mataas pa. Pinatunog ko muna ang dila ko, bago nauna nang naglakad palapit sa pader.
Tumalon muna ako ng isang beses at humakbang paatras ng isa para bumwelo. Naglakad ako ng mabilis na may kasamang pagbuhat ng mga paa bago tumalon papunta sa pader at agad kumapa ng panghahawakan kasabay ng pag apak ng dalawang paa ko sa mismong pader. Nagtuloy lang ako hanggang sa naabot ko na ang tuktok nito. Med'yo nahirapan pa ako dahil wala akong makapang makakapitan. Pero mabuti na lang at kaya kong buhatin ang sarili ko.
Nakaupo na ako sa tuktok ng pader habang blankong nakatingin lamang kay Reka sa baba. Kahit madilim ay naaninag ko pa rin ang nakaawang nitong bibig at parang 'di makapaniwala sa nasaksihan.
Maya-maya lang ay napangiwi ako ng pumalakpak ito ng mabagal. Umiling-iling pa s'ya at manghang-manghang nakatingin sa akin.
"Wow. Pa'no mo natutunan 'yun?" Umiling nalang ako't ngumisi sa kaniya bago isinenyas na umakyat na rin.
Nang makaupo na siya sa tabi ko ay tinapik ko muna ang hita niya bago walang sabi-sabing tumalon paibaba. Agad akong nagpakawala ng isang malalim na paghinga bago muling tumingin kay Reka na nasa itaas pa rin ng pader. Katulad ng kanina niyang reaksiyon, para siyang hindi makapaniwala na manghang-mangha sa nagawa ko.
Sinundan ko siya ng tingin nang makitang tumayo ito at naglakad papunta sa gilid. Doon ko lamang nakita ang isang puno. Kasing taas ito ng pader at halatang matanda na ang isang 'to. Hinakbang niya ang paa niya doon at kumapit sa isa sa mga sanga bago dahan-dahan na bumaba at naglakad papunta sa kinatatayuan ko.
"Hoy teka! May dapat ka pang sabihin! Ang daya neto! Hoy!"
Nangingisi lang ako't isinuksok ang dalawang kamay sa bulsa bago nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Napahinga na lang ako ng maluwag ng mapansing kalye na ang bumungad sa amin. Ibig sabihin lang nito ay nakalabas na ako . . . kami.
"Hoy, paano ka natutong umakyat at bumaba sa ganung kataas na pader?" Kanina pa ako kinukulit ng isang 'to tungkol d'un sa ginawa ko kanina pero tanging ngisi lamang ang sinasagot ko sa kaniya.
"Madaya! Madaya! Dali na kasi Mei!" Wala paring pinagbago. Makulit pa rin. Tsk.
Siya lang ang nag-iisang taong tumatawag sa akin ng gan'un. Ay mali. Dalawa pala sila. Yung Amerikanang hilaw na si Char din. Tss.
Hindi ako pamilyar sa kalyeng tinatahak namin kaya't nagpapadala na lang ako sa bawat hakbang na ginagawa ni Reka. Tumahimik na rin siya at mukhang nagsawa na rin sa kakakulit sa akin.
BINABASA MO ANG
Trouble Shot
Action(Highest Ranked Achieved #33 in Action.) Trouble Series #1 Siya si Meilleur Saisho. The girl who loves to involve herself into a fight. Walang araw na hindi napapasabak sa away. Nakasanayan niya ng araw-araw na nakikipagkamayan kay kamatayan. Walang...