Kabanata IX

273 15 3
                                    

Unedited

Kabanata IX

Sound

"A-Ate." Agad naman itong huminto at nilingon ako. Nagtataka niyang itinuro ang sarili niya kaya napatango naman ako.

"Ako na po riyan." Akma kong kukunin ang isa sa kamay niya ngunit agad siyang umatras at umiling-iling sa'kin.

"Ay nako ma'am! Hindi ho p'ede.. Atsaka kaya ko na ho ito." Itinaas niya ang magkabilang kamay na may hawak na itim na sako at malaking nginitian lamang ako.

Mukhang mapapasubok ako nito ah.

Agad ko siyang binigyan ng matamis na ngiti at pinaamo ko pa ang aking mukha bago lumapit muli sa kaniya.

"Ate.. Masamang humindi sa nag-aalok ng tulong.." Painosente kong hinawakan ang kwelyo ng kan'yang suot at diretsong tinignan sa mga mata bago nagpatuloy.

"May kasabihan nga ang mga matatada... 'Pag inalukan ka ng tulong, dapat ay tanggapin mo."

"Atsaka ate, isipin mo na lang na tulong ko ito sa paninilbihan n'yo rito." Kunwareng pinagpagan ko pa ang suot niyang damit bago ngumisi ng pang-inosenteng isa.

"Ah! G-Ganu'n ba 'yun? A-Ano k-kase baka...."

Bago pa niya maituloy ay agad ko ng hinablot ang isang mala-sakong naglalaman ng basura mula sa kaniya. Tinalikuran ko na siya't magsisimula na sanang maglakad ng may maalala ako! Nilingon ko siya muli sa aking likuran, naabutan ko siyang ngumuyngoy ng ano-ano. Nang mapansin niyang nakatingin na'ko sakaniya ay agad siyang napaayos ng tayo at bahagya pang yumuko. Magsasalita pa sana siya nang sinenyasan kong mauna ng maglakad.

Agad naman itong sumunod. Patuloy pa rin itong bumubulong-bulong ngunit naririnig ko naman.

"...Paktay ako neto."

"Tingali sila makahibalo."

"Unta sila dili mahibalo... Unta sila dili mahibalo."

Napailing na lamang ako dahil hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasabi niya.

Likod lamang nito ang nakikita ko. Hinahangin ang iilang takas ng buhok nitong nakatirintas. Nakasuot ito ng kulay berdeng uniporme na pang katulong. Impernes tol,  maaayos ang kasuotan nila. At base sa kilos at itsura nito ay marahil kasing edad ko lamang o mas matanda ito ng kaunti sa akin.

'Di ko maiwasang ilibot ang paningin ko sa kabuuang pasilyo habang naglakakad kami. Masiyadong pansinin ang mga kumikinang na kuwadro na nakasabit sa bawat dingding na nadadaanan namin. Napakarami nito at hula ko ay, ang mga ito naman ay gawa sa ginto. 'Di ko tuloy mapigilang humanga at titigan ang bawat isa. Ang sarap lang nilang dekwatin tapos isangla... Jokeness.

Napatigil ako ng huminto ang nasa harap ko. May dalawang naka-itim na mistulang mga estatwa ang nakabantay sa magkabilang gilid ng pinto. Parehas silang nakasuot ng itim na shadesness. 'Di ko alam kung maaawa ba ako, O, masasapak sila, e. Gabi na pumoporma pa. Sa huli ay kunot-noo lamang akong napatingin sa kanila.

Pabalik-balik ang tingin ko sa tatlo. 'Di sila nagsasalita, kaya nagtataka ko silang tinignan isa-isa. Nakatalikod ang kasambahay sa'kin, at ang dalawa ay nakasuot ng salamin, kaya't di ko masabayan ang tinginan nila. Maya-maya lang ay nagkatinginan ang dalawang lalaki, at sabay bumaling sa'kin. Halata ang paghagod nila ng tingin sa kabuuan ko, kahit na may takip na salamin ang mga mata nila. Tumingin ang isa sa katulong, at bahagya lamang tumango dito.

Binuksan nila ng sabay ang mala-kamagong na malaking pintuan. Tila bumagal ang oras ng binuksan nila ng dahan-dahan ang pinto. Napahigit ako ng hininga. Nang bumukas ay, pag-ihip ng malakas na hangin at tahimik at madilim na paligid ang bumungad sa'min. Saglit akong napahinto ngunit ng nagsimula ng maglakad ang kasambahay, ay agad din akong naglakad para sundan siya. 

Trouble Shot Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon