Unedited
Kabanata VIII
Voice
"Pret, equipe?" (Ready, team?)
"Oui, Doc." (Yes, Doc)
"Jez, la machine." (Jez, the machine)
"Doc, Ca ne fonctionne pas." (Doc, It's not working)
"Essaye encore." (Try it again)
"Copier, doc." (Copy, doc)
"Doc, il devient rouge!" (Doc, it turns red!)
"Doc, ça marche!" (Doc, It works!)
"Elle repond!" (She's responding!)
"Nous l'avons fait!" (We did it!)
Tila parang may bumara sa aking lalamunan na tanging pag-awang lamang ng bibig ang tangi kong nagagawa. Maski ang pagbukas lang ng mga mata ay parang ipinagkait pa. Tanging ang mga iba't-ibang boses lamang at tunog ng mga makinaryang alam kong ginamit sa'kin ang aking naririnig.
Sinubukan kong gumalaw ngunit kahit isang daliri lamang ng aking kamay ay tila parang nabalutan ng yelo na 'di maigalaw. Tila may isang mabigat na bagay ang nakapatong sa'kin at para akong pinahihirapan nito sa sobrang pagkakadagan sa aking katawan.
Para akong naparalisa habang nakaratay dito. Sa pangalawang pagkakataon... tanging ang blangkong kadiliman na naman ang nakikita ng aking mga mata. Mukhang ipinadadama nito na dito ako nababagay... Sa kadiliman. At mukhang pati ang aking nararamdaman ay nakikisang-ayon. Blangko na naman.
Akala ko ay wala na akong pakiramdam pa. . . pero nang maramdaman ko ang dulo ng iniksyon na itinurok sa'kin... Para akong nanlamig ng husto bigla. Kusang bumukas ang aking mga mata. Kasabay ng panginginig ng katawan ko na sa tingin ko ay dahil sa itinusok nila.
Pawang may mainit na bagay ang nagmumula sa aking paa pataas sa aking mukha. Para akong napapaso sa sobrang init na dulot nito. Ramdam ko ang pagtulo ng dugo sa aking labi sa sobrang pagkakagat ko dito. . . Pero hindi nagtagal ay, parang may malamig na bagay naman ang humihigop sa aking ulo pababa sa aking mga paa.
Hindi ko na napigilan pang sumigaw nang pinaghalong sakit at hapdi ang nararamdaman ko. Mainit ang nagmumula sa ibabang bahagi ng katawan ko, at patuloy pa rin nitong kinakain ng pataas ang aking katawan. Sa kabilang bahagi naman ay Malamig. Malamig na malamig ang nagmumula sa bahagi ng aking ulo at parang bulkan na itong puputok sa sobrang pagkayelo nito. Ramdam ko ang pagliliyab na sensasyong nagmumula sa loob ng aking katawan nang magtagpo ang dalawang magkatunggaling pakiramdam.
Magkaibang pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman. At hindi ko akalain na mararamdaman ko. Mainit at Malamig na iisa sa loob ng aking katawan. Hindi maipaliwanag na pakiramdam, pero posible palang maramdaman.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa katawan ko. Pero isa lang ang alam ko. . . Hindi ko na makontrol 'to.
"Ha! Ha! Ha!" Para akong nasampal nang sampung bakla nang bigla akong napabalikwas... muli. Hingal na hingal akong napasambunot sa aking sariling buhok. Shitness. Nang makabawi ay isang salita lamang ang lumabas sa aking bibig.
Panaginip.
Panaginip. Rayt. Rayt tol. Panaginip lamang. Hingang malalim muli. Hindi iyon totoo. At hinding-hindi mangyayari 'yun. Ha! Sinisigurado ko.
Tok. Tok. Tok.
Saglit akong nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Nabaling ang tingin ko nang pumasok ang Isa sa mga katulong dito... may hawak itong trey. Sinundan ko lamang siya ng tingin nang mailapag niya na iyon sa maliit na mesa malapit sa aking kama.
BINABASA MO ANG
Trouble Shot
Acción(Highest Ranked Achieved #33 in Action.) Trouble Series #1 Siya si Meilleur Saisho. The girl who loves to involve herself into a fight. Walang araw na hindi napapasabak sa away. Nakasanayan niya ng araw-araw na nakikipagkamayan kay kamatayan. Walang...