Chapter 01

63 8 0
                                    

Amara's POV

I am his other girl, kumbaga kabit lang ako. Kasalanan ko bang hindi ko alam na may iba pala siya? Akala ko kasi, ako lang.

LDR, that describes us. Typical love story ng millenials na sa social media lang nagkakilala. I'm not that kind of girl, pero he was so sincere sa lahat ng sinasabi niya.

I added him on facebook, sinuggest kasi. I stalked him for a bit, ang gwapo pala kaya inadd ko agad. After 3 minutes may 1 message request akong na receive so syempre tiningnan ko kung galing kanino.

Thiago Kipling: hi, kilala ba kita? Inadd mo ko eh.

Me: Hindi, sinuggest lang ng facebook.

Thiago Kipling: akala ko kaibigan ka na naman ng kaibigan ko. Nirereto kasi ako nun sa mga friends niya kasi nga ako nalang daw single samin.

Me: ganoon ba? May mutual friend tayo, pero di ko rin naman kilala.

Thiago Kipling: Sure ka? Di ka talaga kaibigan ng kaibigan ko?

Todo deny ako nun kasi totoo naman na hindi ko talaga siya kilala pati kaibigan niya. Sinuggest lang talaga siya ng facebook kaya ganoon.

He asked me na magmeet kami, napag isip isip ko din naman na okay lang. We chatted for almost 4 months, so harmless naman siguro siya.

First meet namin nahihiya talaga ako, I expected na baka naka jersey lang tapos naka tsinelas pero pag dating ko sa meeting place namin, may kotse pala tapos pormang porma. So mas nakadagdag points. Mas gwapo din sa personal, sobrang gwapo talaga. Yung tipong tall, dark and handsome? Di ako hilig sa mga lalaking may dark complexion pero ng nakita ko siya grabe, parang complete recipe na.

So nong nagmeet kami sinabi ko sa kanya na may curfew ako, kasi medyo strict ang parents ko. Sabi ko 9pm uuwi na ako. Nalate ako sa meeting day namin, dapat 6 magkikita na kami pero dumating ako almost 7 na. Nakakahiya kaya kung ang aga ko kaya nagpalate talaga ako.

Pagdating ko nag sorry ako agad, okay lang naman sa kanya kasi inaasahan na din niya na ganoon ang mangyayari. Kasi diba babae daw ako, at ang pangit din naman daw tingnan pag ang aga ko parang sobrang desperada ko nun, sabi pa niya. Nagustohan ko siya dahil dun.

Di lang yun, ng mag 8 na at di pa kami tapos kumain pinagmadali na niya ako kasi 9 daw curfew ko at baka mapagalitan ako. So mas major turn on talaga yun.

3 hours byahe niya galing sa kanila papunta sa Town kung saan ako naninirahan. Palagi kaming nag kikita, twice a week, mabuti nalang din at may pinsan siya dito sa town namin. Nakilala ko rin naman ang pinsan niya na dito nagtatrabaho sa amin bilang nurse kagaya rin ni Thiago. Di nga lang kami masyadong close pero may number naman kami sa isat isa.

Niligawan ako Thiago, for almost 2 months at sinagot ko siya agad. Bakit ko pa kasi patatagalin diba? Gusto ko naman siya. May nabasa din kasi ako na libro. Sabi dun kung may manliligaw sayo na gusto mo, edi sagutin mo agad para malaman mo din agad kung gago, kesa naman pina abot mo pa ng taon at nakainvest na lahat ng feelings mo tsaka mo malalaman na gago pala. Kaya ayun nga naging kami.

4 months na kami noon ng nagtaka ako kasi hindi siya nagtext at hindi din kami nagkita ng weekend. Tinext ko siya pero di siya nag rereply, kaya tinext ko si Darius na pinsan niya.

To: Darius
Dar, uuwi ba ngayon si Thiago?

From: Darius
Oo, isusurprise ka nga siguro non eh. Sabi niya magoouting daw at wag sabihin sayo.

To: Darius
Ganon ba Dar? Haha akala ko pinagpalit na ako, may pasuspense lang pala ang gago! Unahan ko nalang siya, punta ako sa inyo ngayon ha? Magreready nalang ako. Siya isusurpresa ko hahaha

Faking itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon