Chapter 07

44 5 0
                                    

"Wag mo nga akong titigan ng ganyan!" Medyo nakakailang kasi, ginagamot ko siya at nakatutok lang ito sakin. I am not comfortable with it.

"Kasalanan ko bang maganda ka?" namula naman ako pagkasabi niya nun. Pero di ko maiwasang isipin na binubola na naman niya ako.

"Nagkakasala na nga ako sa ganda mo" pabulong niyang sabi ngunit rinig ko pa rin.

"What? Anong sabi mo?" Nangngiti kong tanong kahit dinig na dinig ko naman talaga ang sinabi niya. 

"Sabi ko you're delicious." sabay kindat pa sa gago.

Sinipa ko siya sa paa, ang landi kasi eh. We are not this close but I am happy that nag iimprove na ang friendship namin.

Parang may bumubulong sa tenga ko na nasabi niya lang lahat yun dahil nakuha niya ako at nasarapan lang siya.

"Oh ayan, tapos na. Umalis ka na nga sa harap ko." Tulak ko sa kanya.

"Gusto mong kumain? Pupunta ako sa resatu, sabay na tayo?" Tanong niya habang kinukuha ang aviators at sumbrero niya sa may lamesa.

"Dalhan mo nalang ako, salamat."

Pero ang totoo niyan ay gusto kong kausapin si Thiago kaya gusto kong umalis si Darius. Papunta na ako sa lounge at nakita ko si Thiago na papunta sa pool.

Hindi niya kasama si Ivy, so I think this will be the perfect time na sabihin sa kanya ang gusto kong sabihin.

"Thiago" Agad naman itong lumingon sa gawi ko. He hugged me and hinalikan ang aking sentido.

I let him do that because that would be the last. 

We are in silence bago ako nagsalita. "Can we talk in a more private place? Kahit saan basta siguradong di tayo makikita ni Ivy."

"No, it's okay if we will talk here. I will break up with her, I like you more baby. No, I mean I love you." He hugged me again at ngayon ay mas lalong mahigpit kesa kanina.

"Bakit ang tahimik mo?" bumitaw siya galing sa pagkakayakap sakin and asked me with worried face.

"I cannot afford to hurt other people, especially when its Ivy. She's so fragile and I've heard siya yung nasa tabi mo nung kailangan mo ng karamay. I like her, she's nice, pretty at bagay kayo. Mas bagay kayo." Tuwid kong sabi sa kanya. 

Gustong gusto ko nang umiyak. Sobrang sakit, ang hirap pala ng ganito. Siya ang may kasalanan sakin, he cheated on me!

"You cheated on me! Ay hindi pala, you cheated on her and your using me. Ayokong maging kabit Thiago." My voice broke when I said those lines.

"I thought everything was in the right places. I love you and you love me. We are meant for each other, yun ang akala ko. But we are not. We are perfect, sa sobrang perfect parang may mali na. I remembered, wala nga palang perfect." Nakayuko na ako as my tears were falling right on my cheeks. 

I can't breathe because of the sobs that I've been keeping. I kept it all myself para di ako makasakit. I am hurt, sobrang sakit that I will choose to suffer just by myself.

Maybe he's hurt, I don't know. 

"Don't hurt Ivy, she's all you have since day 1. I am not there when you need someone, but she's there being patient with you. She understands you better than I do." Nakatutok ako sa kanya while saying those lines. I am fighting not to look away kasi baka pag iniwas ko yung tingin ko ay sabihin niyang hindi ako sincere sa sinasabi ko. 

"and I just realized that when I am looking at you two--" I wasnt able to complete what I want to say because he kissed me.

As he was kissing me, I saw Ivy at his back looking at us.

No, this is not my plan! Hindi dapat malaman ni Ivy! Lumayo ako sa kanya at susundan sana si Ivy but he held me so tight na hindi ako makaalis.

Iwinaksi ko ang kamay niya sa aking braso pero nagmatigas ito.

He didn't saw it! Ako lang ang nakakita kay Ivy. I saw her face, she's crying, shocked and broken.

"Baby, please let's not break up. I love you so much." I saw how his tears fell down. Sunod sunod itong pumatak ng walang tigil.

He's hurt, I am hurt and Ivy is hurt. Ito ang iniiwasan ko. But I remained strong not to let him break my walls I just built to myself from him.

"Are you insane? She saw us! Ivy saw us!" I am angry, at the same time I don't want him to follow her.

Bago ako magprotesta para bitawan niya ay kusa niyang niluwagan ang hawak sa akin. He stopped crying at bigla nalang tumakbo. Pero bago paman ito makalayo sa kinaroroonan ko, tinanong niya muna ako.

"Did she really saw us kissing? Saan siya tumakbo?" and those words broke me. Kinuyom ko ang kamay ko.

This is what I want right? Na magstay siya kay Ivy? Pero bakit ganon, sobrang sakit? Sobrang sakit na para akong mababaliw. This is killing me but I have to stick to my choice.

Itinuro ko sa kanya kung saan tumakbo si Ivy kasabay nun ang pagsabi niya ng "Sorry".

I am standing straight, crying and dumbfounded.

Break na ba kami? Ewan di ko alam, basta ang alam ko lang ay napaluhod ako.

My knees are getting weaker and I fucking don't know why. Napaluhod ako, pero bago pa ako masugatan sa lakas ng impact nun ay may sumalo sakin.

I'm not sure who is this man helping me, pero ng maamoy ko ang pabango niya ay natubuan ako ng hiya. I know him.

I can't look at him, not right now when I am a mess. Hindi ko siya tiningnan dahil baka sabihan niya ako ng "I told you".

I know what I did was crazy, I am hurt pero naglakas loob parin akong kausapin siya ng personal. At ang mas worst pa dun, hinabol niya si Ivy kahit na alam niyang masasaktan ako. Ako pa nga tinanong niya kung san ito dumaan.

Sampal yun sa pagkatao ko.

Thiago made me feel that I am the most beautiful and best girlfriend in the world pero ngayon? Parang wala lang sa kanya na saktan ang babaeng minsan niya rin naman minahal.

He told me he love me, right? or nagkamali lang ako ng dinig nun?

"Darius, break na kami diba? Wala na diba? Yun yung sign na wala na kami, that he don't love me anymore, right? When he chose na habulin si Ivy than staying here beside me?"

Sunod sunod kong tanong kay Darius habang niyuyogyog ito.

"Shhhh, don't cry." Yun lang ang sinabi niya. Akala ko sasabihan niya ako na ang tanga ko at ang bobo ko. Yun yung gusto kong marinig sa kanya kasi totoo naman but instead of doing that, he comforted me na mas lalong nagpaiyak sakin.

"Akala ko rin, di ako iiyak."

He hugged me hanggang sa naubos ang luha na tumutulo sa mga mata ko. We decided to leave the resort after that. Iniwan namin si Thiago and Ivy.

Nagpatianod lang ako, kasi ayokong itorture ang sarili kong tingnan si Thiago kasama ang ibang babae.

"Can I stay at your house?" I asked, kasi alam ko na pagmakita ako nina papa na ganito ang itsura ay tatanungin ako at ayoko munang magsalita. Maalala ko lang lahat ang nangyari pag ganun.

"No" tipid na sabi ni Darius.

"Please? Ayokong makita ako nina papa na ganito ang mukha. Kahit ngayong gabi lang tapos uuwi na ako bukas ng maaga."

"I said no." napayuko lang ako nun at tumingin na lamang sa kaliwang banda ng sasakyan. Maraming puno akong nakikita, iba iba ito at napakarefreshing tingnan.

"But you can stay at my condo." May condo siya? Bakit bumili pa siya ng condo eh siya lang naman tao sa bahay nila? Wala naman siyang kasama dun?

"Okay, thank you." Pagkatapos kong sabihin yun ay humiga ako sa balikat niya. Hindi siya nakapalag kasi nagdadrive siya, pero di rin naman talaga siya pumalag.

Kinuha ko ang cellphone ko at bago ko pa man ito ma-on I saw his reflection on it na sobrang lapad ang ngiti.

Faking itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon