Chapter 03

19 3 0
                                    

Olympia's POV 

"Bwesit ka talagang fuckboy ka!" Binato ko siya ng kung ano anong nahawakan ko galing sa bagahe ko, ang mokong naman ay tawa lang ng tawa.

"Makaalis na nga!" Pumunta ako sa may bar counter nila at umorder ng juice. Hindi ako umiinom, kay juice nalang ang inorder ko.

Pagkakuha ko sa inorder ko ay naglakad lakad ako sa tabi ng pool na ngayon ay wala ng tao kasi dumidilim na.

Habang ako ay naglalakad ay di ko na napigilan ang mapaiyak. Umupo ako sa gilid ng pool at isinawsaw ang paa ko sa tubig. Di ko na napigilan ang pagbuhos ng akingvluhang kanina ko pa pinipigilan.

Ang lamig ng tubig. Sa sobrang lamig, parang gusto ko ng ipayelo ang puso ko para di na ako makaramdam ng sakit.

Hindi ko kasi alam! Hindi ko alam na niloko niya lang ako! Sa bagay sino nga namang manloloko ang ipapaalam na nanloloko sila diba?

Hindi naman sa tanga ako, malay ko bang may iba pala siya!? Hindi ko lang talaga alam, at hindi ko rin minsan naramdaman na niloko niya ako. Yun ang pinakamasakit.

Nang may marinig akong kaluskos ay agad akong tumalon sa tubig dahil baka may makakitang umiiyak ako. Nakakahiya naman pag ganon.

Marunong akong lumangoy, pero di katulad ng paglangoy ng iba. Ang alam ko lang ay lanoy pampalaka. Sobrang ginaw ng tubig kaya lalangoy na sana ako papunta sa edge ng pool. Pero may biglang humawak sa bewang ko at tinulungan ako papunta sa gilid ng pool.

"Nababaliw ka na ba? Dahil lang sa nangyari, naiisipan mo ng magpakamatay? Baliw ka na ba Mara?!"

Mas lalo akong naiyak dun, pero alam kong di niya nakikita yun kasi basa ako at pilit ko pinapakita na hindi ako umiiyak. Pero nararamdaman ko ang pagtulo ng luha ko ng sunod sunod.

"Marunong akong lumangoy, at bakit ko naman papatayin ang sarili ko para sa isang gago?"

Kumalma ang kanyang mukha ng marinig ang sinabi ko. "Sorry Mara, I love you. Let's fix this."

"Sorry? Narealize ko Thiago na siguro way ito ng Diyos para malaman na hindi ka para sa akin at ng para rin itigil na tong relasyon natin. Let's break up Thiago, officially." Straight faced kong sabi

"Please babe, I'll fix this. I love you, hihiwalayan ko si Ivy. Please babe." Niyakap niya ako habang umiiyak na pagbigyan ko.

Hindi ako kumibo, hinayaan siyang magsalita. Sigurado na ako sa desisyon ko. Hindi na ito magbabago pa.

"Please babe" nakaluhod na iyak ni Thiago hawak hawak ang dalawa kong kamay.

"Hihiwalayan ko si Ivy, ikaw na ang mahal ko."

"Haha ako NA ang mahal mo? So, simula palang wala kang planong mahalin ako? Ganoon? Tapos ngayon nagsisi ka kasi mas minahal mo ako kaysa sa mahal mo dati?" Tumatawa kong sagot dahil ako mismo hindi makapaniwala na simula palang pala, wala pala talaga siyang planong mahalin ako.

Hindi siya umimik, nakaluhod lang siya sa harap ko at umiiyak.

Tinulak ko siya, pero pilit niyang hinahawakan ang kamay ko.

"Bitawan mo ako Thiago"

"Ayoko Mara, patawad please. Mara please." Humahagulhol niyang sabi

"Ayaw mo akong bitawan? Gusto mo bang sumigaw ako dito at malaman ni Ivy ang nangyari? Sinaktan mo na ako, sasaktan mo rin siya?"

"Wala akong pakialam Mara. Please." Pakiusap niya ulit

"Wala kang puso, hindi ako makapaniwalang minahal ko ang tulad mo." Pilit kong binawi ang kamay ko

"This is the end Thiago, Fvck you." Pagkatapos kong sabihin yun ay naglakad na ako paalis ng hindi siya nililingon.

***WARNING: Next chapter consists mature content, so read at your own risk next update

Faking itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon