Chapter 02

27 3 0
                                    

Olympia's POV

"Stop it! Just fucking stop it Mara! Just Please stop it." Galit na galit na asik ni Thiago sa akin.

Hindi ko inaasahan ang galit niya. Nandito si Ivy pero parang wala siyang pakialam. Natulala lang ako sa ginawa niya, di ako makapagsalita sa sobrang kaba na baka mahalata ni Ivy.

Nasaktan na ako ng gagong to, kaya ayaw kong may masaktan pang iba. Makikipagbreak ako kung yun lang ang pwede kong gawin para ma lessen ang mga taong maaagrabyado.

Mali man pero hihingi ako ng tulong kay Darius. Tulong nga ba ang pangagamit? Pero siguro naman wala lang sa kanya to, sapagkat papalit palit naman siya ng girlfriend.

Kaya kapag nagbreak na talaga kami ni Thiago officially, puputulin ko na lahat ng kumonikasyon namin. Di naman na siguro magtataka si Ivy na nawala ako, kasi alam naman ng lahat na playboy talaga tong si Darius at baka may ibang babae na naman.

Masakit, kasi kahit iniwasan kong maging tanga ay nangyari parin. Napakasakit at pinagsisihan ko lahat ng nangyari. Na naging kami at ako naman si tanga feel na feel ang moments namin. Bwisit na bwisit ako sa sarili ko, ang sarap mo sabunutan Olympia! Pero nangyari na ang nangyari, kaya wala na akong magagawa. Yun ang napakasakit, kasi wala akong magawa. Siguro nga, time lang ang makakatulong sa akin sa pag heal.

"Love?" Nalilitong tanong ni Ivy

"K-kasi love, sinabihan ko natong si Mara dati pa na bata pa siya kaya kailangan niyang iayon ang actions niya sa edad niya. She's just 21 and she looks like a slut just by doing that." Sinabi niya yun lahat habang nakatingin sa mata ko.

"Okay lang tol, gusto ko rin naman yung ganon. At hindi narin naman kayo iba sa amin ni Oly." Sabi ni Darius sabay lapit at hawak sa baywang ko na naman.

Chancing na yata si Darius. Kanina ko pa napapansin pero parang nilubos lubos naman ng mokong. Pero sige lang, ngayon lang to kasi kailangan ko din naman ng tulong niya. Ako din naman ang nagpasimuno, tapos hinalikan ko pa siya. Sayang saya naman siguro ang bwesit.

"Di na ako bata Thiago, stop treating me like I am. What I am doing in my life is none of your concern anymore. Matanda lang kayo sa akin ng apat na taon, pero hindi na ako katorse anyos. Alam ko you're just guiding me like a sibling but please spare me because you're not my brother."

Nakikita ko sa mata niya ang pagsisi. Nagsisi siya sa ginawa niya. Pero wala akong pakialam, nasaktan na ako.

"Love, pabayaan mo nalang si Olympia. Matanda na naman siya, I know you're just protecting and guiding her. Pero she's with Darius already so it means she chose to do those things with him."

Nabilaukan naman ako sa sinabi niya, grabe hindi naman aabot sa ganun if ever boyfriend ko nga si Darius. Even kahit sino, Iwas taught and I believe marriage before sex. Naubo ako, natawa lang si Darius sa gilid ko. Siniko ko naman siya.

"Ow! Mapanakit ka talaga Oly, pero kahit ganon mahal parin kita." Hinalikan niya ako sa temple.

Sumusobra na talaga si Darius eh! Sinasali pa ako sa ninja moves niya na yan. Alam kong fuvkboy siya pero iba parin talaga pag nakaencounter ka ng isa.

Naisipan kong umalis na para mawala narin ang tension sa pagitan namin.

"Dalawang sasakyan nalang dalhin natin guys." Sabi ko sabay ngiti. Ayokong makasabay si Thiago sa isang sasakyan, I crossed my fingers. Sana pumayag sila, ayaw ko talagang makasabay si Thiago sa iisang sasakyan lang.

"Sayang ang gasolina Mara, sa sasakyan ko nalang." Matigas na reply ni Thiago

"May panggasolina naman ako tol, mayaman naman ako." Nagpasalamat ako kay Darius sa sinabi niya. Parang nabunutan agad ako ng tinik sa puso. Pero hangin din neto eh.

"Wag na Dar at Oly, sa sasakyan nalang ni Thiago para tipid at tyaka gusto rin kitang makilala Olympia. Grabe rin tong si Darius eh! Pinagdadamot girlfriend niya." Sabi ni Ivy dala hampas kay Darius.

Para akong binagsakan ng langit sa narinig, naku naman oh! Tiningnan ko si Darius, at pilit nakikiusap gamit ang mata ko.

Nagkibit balikat lang siya, sinasabing wala na siyang magagawa.

Tiningnan ko si Thiago, at ang gago! Nakangiti pa! Bwesit nga naman oh!

Kaya yun na nga, nagsabay kami sa sasakyan ni Thiago. Naka ready na pala talaga lahat, ang mga babaonin. Naisip ko, paano kaya kung hindi ako pumunta? Patuloy parin siguro ang pagpapakatanga ko hanggang ngayon. Mas masakit siguro kung isang taon pa bago ko nalaman.

Nakatulog si Ivy sa front seat, at si Darius naman sa balikat ko. Panay ang nakaw ng tingin ni Thiago sa akin habang nagmamaneho.

Hindi ako tumingin sa kanya. Sumipol siya kaya napatingin ako. Nang tumingin ako, nag sorry siya ng walang tunog sabay pacute. Iniwas ko agad ang tingin ko.

Sipol siya ng sipol, hanggang sa lumakas ng lumakas at nagising si Darius.

"Ang ingay mo naman tol! Kung gusto mong kausapin, mamaya na. Humanap ka ng tyempo, natutulog ang tunay mong girlfriend oh!" Naiinis na reklamo ni Darius at humiga ulit sa balikat ko at nanananching na naman ang mokong kasi yumayakap na naman sa baywang ko. Pinabayaan ko nalang.

Nagalit naman si Thiago at hindi na sumipol ulit.

Dumating na kami sa sinasabing Pearl Farm. Maganda dito base sa rates ng mga tao sa facebook. Naisipan naming dito nalang din.

Pagpasok na pagpasok ko ay namangha talaga ako. Ang ganda pala talaga! Di ako nagsisi sa pagpili nito. Napakaganda ng swimming pool nila tsaka dagat. May layer na green, blue hanggang nag dark blue. Ang ganda ganda pala talaga.

Pagpasok ko sa room namin ni Darius, di ko parin maiwasang mamangha. Ang ganda ganda talaga. Maluwang ang room pero ang ikinabigla ko ay isa lang ang kama.

Kasi nga boyfriend ko naman daw si Darius, okay na daw na dalawang room lang kunin namin. Tiningnan ko si Thiago at ang mukha niya ay talagang hindi maipinta. Pero wala rin siyang nagawa.

"Darius, sa sahig ka ah." Sabi ko sabay lagay ng gamit ko sa sofa.

"Ayoko nga, ako kaya nagbayad nitong room. Wag kang mag alala, di ka naman nakapasa sa standards ko kaya walang mangyayaring masama."

"Bwisit! Hati tayo ha! May ilalagay akong unan sa gitna!"

"OA naman nito, kahit na gustohin ko di naman ako namimilit. Kaya kung ayaw mo, di naman kita gagalawin." Sabay smirk ng mokong

"So dapat pa ba akong magpasalamat ngayon? Bwesit nato! Fuckboy na fuckboy ang aura eh! Magtino ka na nga Darius, gwapo ka pa naman tsaka matalino. Wag mo nang paglaruan ang mga babae."


"Kaya nga! Gwapo at matalino, fuckboy starter pack pero parang may nakalimutan ka yata." Sabi na naman ng mokong na parang nambibwesit

"Ano? Na experienced ka na masyado?"

"Kasali din yun pero may iba pa." Tumabi siya sa akin at kinulong ako sa dulo ng sofa. Ako naman inaatras ko yung mukha ko. Baka halikan pa ako ng bwesit, alam ko talagang mali talaga ang paghalik ko sa kanya eh!

"A-ano?"

"Nauutal ka? Bakit?" Lumapit siya at napapikit naman ako

"Nakalimutan mo ang isa pang starter pack. Yung malaki, tsaka mahaba." Pagka bigkas ng pagbigkas niya non ay naitulak ko siya agad.

Faking itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon