PROLOGUE

595 11 3
                                    

Bata pa lang ako, nahilig na akong manuod ng Disney Stories. Cinderella, Snow White and the seven dwarfs, Rapunzel, Sleeping Beauty at marami pang iba. Memoryado ko na nga ata lahat ng mga story nila.

Hindi kami mayaman para maafford ang manood ng palabas sa mga sinehan, at salamat sa telebisyon, nalaman ko ang kwento ng bawat karakter ng mga Disney Stories na iyon.

At dahil sa kanila, naniwala akong isang araw, makakahanap din ako ng aking sariling Prince Charming na magmamahal sa akin at mag aalay ng kanyang pag-ibig at buhay para lamang sa akin.

Prince Charming, iyong gwapo, matipuno, mayaman, may palasyo, karwahe at mga kawal.

Pero hindi pala lahat iyon nag e exist.

Number 1, walang prinsepe dito sa bayan na kinalakhan ko. Saan ka makakakita ng Prinsipe sa gitna ng sakahan? Magsasaka madami.

Number 2, gwapo na matipuno. Yaykz. Nevermind. Matipuno siguro kasi banat sa mga gawaing pagsasaka pero gwapo? Kung hindi sunog na balat sa kakabilad sa araw, mga sunog baga naman.

Ahemmp, hindi ako laitera, sadyang mataas lang talaga ang pangarap ko na gusto kong makaalis sa baryo namin upang mas mapabuti pa ang buhay namin at ng makaangat naman kami sa lupa kahit na kunti, or kahit na lakihan ng kunti.

Number 3, Mayaman. Baka 4M. Matandang Mayaman Matagal Mamatay. Naku naman kasi, etong may-ari ng lupang pinagsasakahan ng pamilya namin, ansarap ibala sa canyon papuntang outer space. Ang sungit masyado, daig pang matandang dalaga pero maayos naman magpa sweldo kaya ayun, tiis tiis na lang.

Number 4, Palasyo, Kawal at Karwahe. Haha, nagpapatawa ako diba? Saan ko kaya yan makikita aber? Baka kalabaw madami pa, pati yung taong kasabayan ng kalabaw sa pagsasaka. At mga bahay na gawa sa Kahoy at Nipa. Yun na ang palasyo namin.

See? fairytales do exist in movies but in reality? WALA! Walang fairy Godmothers, walang magic wand, spells and magics. Ang meron lang ay ang prinsipyong lage ay dala dala ko, "Magsikap ka upang bukas ay may maabot ka."

Pero isa sa mga laging pinapakita ng mga fairytales ay ang konsepto ng Pag-ibig. That, when the right time and Love comes, you'll have your own fair share of happiness, happy ever after, the end.

But as what the millennials says, "Walang Forever!".

Tss, laro laro na lang ang pag-ibig. Padamihan ng syota, pahabaan ng listahan ng babae o lalaking sinaktan, niloko, pinaasa, umiyak. Asan na nga ba ang TL o True Love na sinasabi nila?

Buti pa nga si Tiana, hinalikan lang ang nakakadiring palaka nagka forever na. Si Aurora / Sleeping Beauty, natulog lang, ginising ng halik ng tunay na pagmamahal. Si Rapunzel, nilugay lang ang mahabang buhok, may prinsipe na.

Sa panahon ngayon, kahit ilang palaka halikan mo, mas marami pa ang higad na lalapit dito. Pumikit ka lang ng saglit napunta na sa iba ang taong mahal mo. Mahaba man o maikli ang buhok mo, mas mapapansin pa ata ang pekpek shorts ng katabi mo.

Saklap no?

Ako nga pala si Ailyn Claraval, 24, single by choice not by chance. Haha

At yang pag-i pag-ibig na yan, masasaktan ka lang dyan.

Di ko inuugali ang ampalaya para sabihin niyong bitter ako. Masyadong ko lang mahal ang sarili ko para umiyak sa maling tao, ulit.

I had fallen in love once.

Flowers, sweet gestures, sweet talks. Pinaasa ka, umasa ka naman. Minahal mo, akala mo the feeling is Mutual. Akala mo lang pala yun.

Dyahe, pinaglaruan ka lang pala. Akala nila laruan ka na pwedeng paglaruan at kapag nagsawa na sila, iiwan at itatapon na lang. Kapag wala ka nang silbi, bibitiwan ka na lang. That no matter how you keep on holding on, wala ka na palang hinahawakan.

Naghanap siya ng iba tapos the same cycle. Pinaibig, pinaasa, iniwanan. Tapos babalik sayo sasabihing ikaw pala ang mahal niya.

He's my ex boyfriend Shaun. Minahal ko yun kahit ginago ako ng gagong yun. I gave him my all. I almost gave up everything just for him.

Kaya nang iniwan niya ako para sa ibang babae, biglang gumuho yung mundo ko.

Wala kasi yun sa mga fairytales. There wasn't any third parties in fairytales. Only witches and spells and magics and a true love's kiss lang ang makakawala sayo sa sumpa. Pero ito ay hindi sumpa dahil hindi naman siya witch para mag cast ng spell. Hindi ko nagawang mag counter attack. Walang prince na sasalo dahil yung inaakala kong Prince charming, siya pa pala ang naging witch sa totoong buhay.

And when I regain myself from a lost, from a brokenheart, he came back saying he loves me.

Ako naman si Tanga, nag ala Popoy at Basha, bigay agad ng second chance. Yun pala, ginawa akong MRF (Material Recovery Facility), nagrecycle ng feelings dahil akala ko maibabalik pa - ang dating kami. Pero hindi na pala talaga.

Dahil sa kwento namin ni Shaun, ako pala yung side story, ipinagtagpo pero hindi itinadhana.

At ang mokong, ayun happy family na with his wife and kids. E extra pa ba ako?

Kaya ayun, move on na ang sarili ko.

Inisip ko na lang, Disney provided these stories so we won't stop believing that one day, someday, somewhere, somehow, our own Prince charming will find it's way to us, from the Far away land not now but soon. Hindi man nakakarwahe o nakasakay sa white horse, basta ba may sapatos, maayos na damit, at siempre, maayos na buhay. Haha

SOX 1: My Happy Ever After Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon